Chap15 - Don't you dare to call me gay.

191 12 7
                                    

CHAPTER 15

Don’t you dare to call me gay.

XANDER’S POV

Ang tagal kong naghintay dito sa bahay nila tapos ganun lang maabutan ko? Sh*t.

Bakit kelangan nilang magyakapan?

At ang nakakabadtrip sa lahat, kelangan bang halikan ni Patricia si LA?

May rule nabang pagbirthday mo may libre kang halik at yakap?

Aba. Ano sya sineswerte?

Di ako nagseselos. F*ck. That’s so gay. Kaya bakit ako magseselos?

Bestfriend ko sya kaya protective ako sakanya. At kung magkakaroon sya ng boyfriend, nakaw, wag nyang pipiliin si LA.

Ayaw kong masaktan si Patricia kaya hangga’t maaga pa, iniiwas ko na sya.

“Anong ginagawa mo dito Xander?” Masama? Aba. Masanay na sya. Tambayan ko tong bahay nila pag bored. At wala syang magagawa kung close kami ni tita.

“Go inside Patricia. NOW!” Napasigaw ako. Nakakainis kasi. Sya pa may ganang magalit sakin.

“Ano ba Xander. Wait lang naman ka- -”

“PAPASOK KA BA O HINDE?” Natakot ko ata sya.

“Papasok na. Sige LA mauna na ko. Salamat ha. Happy Birthday ule.”

Hindi ko na hinintay na makapagreact pa si LA kaya hinila ko na si Patricia papasok.

Pagkapasok namin, tiningnan nya lang ako ng masama.

Gsh. Akala nya matatakot ako sa tingin nyang yan.

“Problema mo? Ang sama mo makatingin ha.”

“Ikaw ang dapat kong tanungin. ANO BANG PROBLEMA MO PATRICK ALEXANDER? KAGABI KA PA HA!” Nyaaay. Nagiging halimaw na sya. Hahaha. Nakakatawa sya.

“Gsh. Ikaw nga tong nagtaboy sakin. Kaya ikaw may atraso sakin.”

Sya naman talaga diba? Dapat nga di na ko pupunta dito. Di ko lang talaga sya matiis. Di ko talaga magawang magalit sakanya.

“Ewan ko sayo. Umalis ka na nga. Bakit ka ba kasi nandito? Layas.”

“Ako ang nagpapapunta sakanya dito.” Hindi ko namalayan na lumapit na pala samin yung mommy ni Patricia. Narinig nya siguro kaming mag-aaway.

“Mom. Bakit mo naman pinapunta tong mokong na to dito?”

Aba. Wala ba kong karapatan pumunta sa bahay nila?

“Eh ano bang pakialam mo kung pinapunta ko sya?”

Nyaaay. Napaka-amazona talaga ng mommy ni Patricia. May pinagmanahan nga naman.

“Mom naman.”

“Halika na nga Xander. Hayaan mo yang babaeng yan. Kumain na tayo sa loob.” Hinila ako ni tita sa dining table.

Nagbelat ako kay Patricia. Hahaha. Favorite ata ko ni tita.

Habang kumakain kaming tatlo, halatang naiilang si Patricia sa presence ko. Tapos napansin din ata ni tita.

“Bakit parang di kayo nagpapansinang dalawa?”

“Wala lang po- -” Di ko na sya pinatapos magsalita at nagsalita na ko. Alam ko namang puro kasinungalingan lang sasabihin nyan.

“Galit sya sakin kasi pinigilan ko sila ni LA sa pagyayajhfiluergjkswqp” Fuck naman oh. Tinakpan ni Fran yung bibig ko kaya di ko nabunyag ang landian nila ni LA.

Being PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon