Chap20 - Broken hearted man.

182 9 3
                                    

CHAPTER 20

Broken hearted man.             

XANDER’S POV

Alam nyo yung feeling na miss na miss mo na yung taong mahal mo? F*ck. Why am I acting like a gay? Shemay naman oh. Miss ko na talaga si wifey.

I felt like she’s being so cold to me this past few days. Are we having some quarrels or what? Eh kung meron man bakit hindi ako aware. May nagawa ba kong masama at nagalit sya sakin kung galit man talaga sya sakin. Magsosorry na nga lang ako sakanya kahit hindi ko alam kung may kasalanan nga ako o wala.

Boring..

Boring..

Bakit ang boring ng araw na to. Hay. Pag weekend talaga walang magawa. Kaasar. Sana may pasok nalang para kahit papano may magawa. Hahaha.

“Yo kuya. Problema natin?”

Ayan na naman po ang aking magaling na kapatid. Opo may kapatid ako. Si Richmond.

Sya ang nag-iisa kong kapatid. Half brother ko sya sa father side. Namatay na yung totoo nyang mama kaya ayun. Tanggap na tanggap naman sya ni mama ko. And take note, halos sya pa nga ang favorite nila. Badtrip diba? Minsan nga parang di na talaga ko nag-eexist pag nandito yang kapatid ko na yan eh.

Pero di talaga ko naiinis sakanya. Bakit ko naman kakainisan ang sarili kong kapatid? Halos ka age ko lang naman sya kaya magkasundo kami sa mga likes. Simula sa hilig sa pagsayaw, sa pagiging matalino, gwapo, sa mga hilig sa pagkain at kung anu-ano pa. Pati nga sa taste sa babae eh halos parehas lang yung gusto namin. Lapitin ng mga chiks ang magkapatid na to no. Hahahaha.Wala na tayong magagawa, nasa lahi na nga ata namin yun.

“Wala kong problema. Langya ka. Bakit ngayon ka lang pumunta dito?”

May sarili kasi syang condo. Naiinggit nga ko eh. Bakit sya may condo tapos ako wala eh mas matanda naman ako sa kanya ng months. Hahaha. Kaya lang naman sya binilhan ng condo eh kasi yung university nyang pinag-aaralan ay malayo dito sa bahay namin kaya ayun, binilhan sya ng condo para hindi na daw sya magdorm. Hay. Kung alam ko sana dun nalang ako nag-aral sa Univ nya para may condo din ako. Hahahah.

“Bakit miss mo na ko Xander?”

“Kapalmuks! Bakit naman kita mamimiss? Tsaka makaXander ka ha. Hoy mas matanda ko sayo kaya kuya itawag mo sakin.” Bastos talaga tong kapatid kong to. Hay.

Being PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon