4 days love life

30 2 0
                                    

Naging follower si Ms. Kulit nang pinagposeran ko. Pasalamat na lang ako hindi niya pa ako nabubuko pero nakokonsensya ako na hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo at lalo akong naguluhan nang bumalik si Trisha.

"Bestfriend balita ko may gf ka na ah?"

"Ah oo meron na nga 3 araw palang kami"

"Pakilala mo naman ako"

"Haha wag na baka magselos siya"

"Bakit alam niya ba yung tungkol sa atin?"

"Haha hindi."

"Ang daya mo naman kasi."

"Huh? bakit naman bestfriend?"

"Kasi hindi mo man lang ako hinintay. Edi sana tayo na ngayon"

"Haha baliw ka na naman bestfriend. Hindi ba sabi mo bestfriend mo lang ako?"

"Oo dati yun nung siya pa yung mahal mo. Pero dati pa kitang gusto siya lang yung minahal mo"

Natigilan ako sa kanya si Trisha ang bestfriend ko nung highschool may pagkaboyish siya kaya madali kaming naging close pero nung niligawan ko siya ang sabi niya hanggang bestfriend lang ang tingin niya sa akin. Kaya nang dumating si first love nawala na rin nang parang bula si Trisha.

"Haha baliw namiss mo lang ako nuh bestfriend"

Tumawa lang siya at binatukan ako.

"Dapat pala bumalik ako nang maaga nuh"

"Sira"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Trisha sa akin. Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang pareho lang kami nung pinuposeran ko.

Pareho kami na may gusto dati sa bestfriend namin at ngayon confused siya. Ako naman guilty na kaya nakipagbreak na ako kay Ms. Kulit ayoko nang masaktan pa siya lalo.

"Ate shanna"

-message sent

Maya-maya nagreply na siya kaagad sa text ko

"Oh bakit?"

"Break na kami ate"

-message sent

"Bakit? Anyare?"

"Ate ayoko nang saktan pa si Ms. Kulit mahal ko siya pero hindi kami pwede"

-message sent

"Ha? bakit naman?"

Sa oras na yun natagalan akong magreply alam kong magagalit din ang isang ito kapag nalaman niya ang totoo pero, sana hindi. Tatanggapin ko na lang kung magalit siya.

"Ate sorry"

-message sent

"Bakit ka nagsosorry shonne?"

"Ate alam ko magagalit kayo sa akin pero ayoko namang gawin yun nadala lang ako nang sitwasyon sorry ate sana patawarin mo ako"

-message sent

"Bakit? Ano bang nangyayare sayo? Nakainom ka ba? o ano?

"Ate nagsinungalin ako sa inyo. Poser ako ate sorry"

-message sent

Iyon ang unang beses ba sinabi kong poser ako alam kong galit si ate siya lang ang kaibigan ko sa wattpad na hindi ko friend sa fb.

Kaya hindi niya pa nakikita ang ginamit ko para maging poser. Ipinaliwag ko sa kanya ang lahat alam ko nainis at nagalit siya matagal ko ding hindi siya nakakausap.

Si Ms. Kulit naman tinitext niya ako at tinatanong kung bakit ako nakipagbreak. Sinasabi ko na lang pinili ko ang bestfriend ko. Sinasabi kong mahal ko pa ang bestfriend ko.

Alam kong nasaktan ko siya pero mas mabuti pang maaga ko siyang nasaktan at hindi ko na pinatagal pa.

"Tol may sakit daw si Ms. Kulit."

"Bakit anong nangyare tol?"

"Ewan tol. Baka nga daw nadengue"

Yung totoo nag aalala ako sa kanya pero hindi ko pwedeng ipakita na concern pa din ako ayoko lang na masaktan ko na naman siya minsan ko na din siyang nasaktan.

"Paasa ka shonne"

Yan yung salitang galing sa kanya na hindi ko malilimutan.

Tahimik na lang ako at hindi ko na lang pinansin si Ms. Kulit alam kong sobrang sama ko sa tingin nanf iba pero ginagawa ko lang yun para malayo na siya sa akin.

"Kamusta na?"

"Ayos lang my lady. Ikaw?"

-message sent

"Ayos lang din"

"Ah kamusta na pala siya?"

-message sent

"Okey lang siya."

"Hindi na ba umiiyak?"

-message sent

"Alam namin nasasaktan pa din siya dahil sa break up ninyo pero wag kang mag-alala magiging okey din siya"

Ganito lang ang ginagawa ko. Nakikibalita sa bestfriend niya kung ano nang nang-yayari sa kanya. Mabuti na lang malapit na sa akin si My Lady kaya nalalaman ko ang mga ginagawa ni Ms. Kulit kahit wala na kami.

Inalis niya na ako sa friend list niya sa fb at hindi na nagttext. I-unfollow niya ako sa wattpad pero ayos na din yun para makapag move on na kami pareho.

Akala ko din dati mawawala si My Lady kasi nung naging kami ni Ms. Kulit nagpaalam siya na lalayo na at wag ko na daw siyang tawaging my lady dahil gf ko na ang bestfriend niya pero naging kaibigan ko din siya at nasanay na ako na nandiyan siya palagi.

The Story Of Us (wishes)Where stories live. Discover now