Ang matinong side ni Dan

7 1 0
                                    

Hanggang ngayon gulong gulo pa din ako hindi ko na talaga alam ang tama. May point si tol. Tama siya.

Kapag pinagpatuloy ko ang nararamdaman kong ito para kay My Lady hindi lang isa ang masasaktan.

May iiyak at may mag aaway. May sasaya at may malulungkot. Bakit ba napakakumplekadong magmahal?

Bakit ba ang daming pwedeng mangyari? Bakit ba ang dami kong iniisip hindi ba pwedeng magmahal na lang ako at mahalin nang taong gusto ako?

Sa pag iisip ko, hindi ko namalayang nandito na ako sa tapat nang tambayan.

May biglang bumato sa akin nang bola kaya natauhan ako. Buti na lang nasalo ko yung bola.

"One on one" sigaw ni Dan sa akin.

Napangiti ako at dahan dahang lumakad papasok nang court. Ibubuhos ko na lang lahat nang problema ko dito sa loob nang court.

"Game"

At nagumpisa na akong maglaro.

After an hour.

Pareho kaming bumagsak ni Dan. Pareho kaming humiga sa sahig. Pawisan at sobrang hingal na hingal.

"Ha...N-na...nakakainis. Nakatsamba ka na naman"

"Haha ilang beses na tayong nag one on one at ilang beses na din kitang natalo. Hanggang ngayon, tsamba pa din? Haha"

"Haha siguro kong basketball lang ang pag-ibig palagi kang mananalo pero hindi di ba bok?"

Natahimik ako. Kahit kailan panira si Dan. Pero, tama siya.

"Bok, ikwento mo na alam kong mabigat yang problema mo. Kasi kung hindi naman sobrang bigat. Hindi mo sobrang seseryosohin ang laro natin. Kitang kits ko sa kilos mo na ayaw mong magpatalo at tska, yung pagbato mo nang bola...Masakit" sabay tingin niya sa kamay niya.

"Bok kasi..."

At kwenento ko sa kanya ang lahat. Una, nashock siya at nagalit nung malaman niya na naging poser ako.

"Bakit mo ginawa yun? Pwede mo namang ipakilala ang sarili mo bilang ikaw bok, tsaka sa ginawa mo hindi lang sila ang sinasaktan at sasaktan mo kundi pati ang sarili mo."

Tama siya kaso, may mga bagay talaga na kahit gawin ko nang tama mas mabuting gawin ko iyon nang mali para sa ikabubuti nang lahat. Mahirap intindihin, alam ko pero wala akong magagawa.

Sinabi ko din kay bok ang tungkol sa nararamdaman ko at kay My Lady. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat, natahimik siya at walang nasabi.

Maya-maya lumipas ang ilang oras. Bumangon siya sa pagkakahiga at kinausap ako.

"Bok, alam ko ang pinagdadaan mo ngayon. Alam kong ilang beses ka nang nasaktan at ilang beses ka nang nagmahal. Ilang beses mong pinatunayan ang sarili mo sa iba. Ilang beses ka nang nabigo di ba? Pero, bok alam kong nakakulong ka pa din sa nakaraan mo. Alam kong siya pa din di ba bok? Pero, gaya nga nang pangako natin. Hindi na namin siya babanggitin sa iyo. Ngayon lang ulit kita nakitang masaya bok kaya alam kong totoo yan. Pero, bok kung anong maging desisyon mo magiging masaya kami sa iyo. Bok, kung sakaling makapagdesisyon ka na sana maging totoo ka sa sarili mo."

Tinamaan ako sa sinabi niya. Tama siya, tama siya nakakulong pa din ako sa isang malungkot na alaala nang aking nakaraan. Natahimik ako.

The Story Of Us (wishes)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora