Adviser? Disaster?-_-

4 0 0
                                    

Ilang araw din akong hindi nagload. Ayoko munang makausap si My Lady. Naguguluhan ako. Mas mabuti na lumayo muna ako .


Naisipan kong humingi nang payo at syempre pag ganitong usapan kailangan kapwa ko nakaranas ang hihingian ko nang advice kaya pumunta ako sa bahay nang matalik kong kaibigan.


Pagdating ko sa tapat nang bahay nila nakita ko si Denver sa terrace. Agad ko naman siyang tinawag.


"Uy kuya gelo, pasko ka"

"Si Daniel?"

"Wala po kuya kanina pa po umalis"


Awtss kung kailan naman kailangan tska wala. Kaya naman nakapagload ako nang wala sa oras para lang mahanap ko kung nasaan nang lupalop napadpad si Dan.

+++text convo+++

Me: Bok san k?

After a mins. (Buti na lang nagreply agad)

Sya: Sa tabi tabi lang bok


(Tss ewan ko ba kung bakit ito ang hinanap ko para hingian nang advice. Haist)

Me: bok, sa tambayan tayo


Sya: bakit may problema ka ano?

(Kahit baliw at hindi matinong kausap ang isang ito, masasabi ko na talagang tunay siyang kaibigan)

Me: yah

Hindi agad siya nagreply. Haist. Maya-maya, ito na ang inaasahan kong reply galing sa MEDYO? BALIW KONG KAIBIGAN.

Sya: ganun pagkatapos mo kong hindi patuladin sa exam natin sa trigo hihingi ka sa akin nang tulong. You hurt me gelo awts kala ko...kala ko...we are friends pero mali pala ako ang sakit bok dahil sayo 1 point lang nakuha ko. Nagpakompya ka kasi no. 1 lang pano yung no. 2? Eh 1-20 un.

As I expected from a crazy friend. MMK na naman ang kwento niya.


Me: Sira. you need to be independent tinuruan na kita e tska -_-bok...hindi bagay, wag ka ngang magdrama para kang bakla haha.

Sya: sige na nga puntahan na lang kita sa tambayan.


Me: sige.


Naglalakad na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang pilit habang kinukuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa.


:phone beeps:

Hindi talaga makuntento sa simple ng reply kailangan ba talagang magpakammk din ako?


Tiningnan ko ang text at hindi ko alam kung anong irereact ko. Sa pagkakataong iyon si Dan ang inaasahan kong magmemessage sa akin pero nagkamali ako. Siya pala.


Si My lady.

Naggm siya. May parte sa akin na gustong gusto siyang kamustahin at may parte sa akin na nagsasabing ibalewala ko siya, pero ma's matimbang sa sarili ko ang unang parte.

(Itext? Hindi? Itext, pero anong sasabihin ko? Paano ako magrereact? Paano...)


Natigil ako sa pagiisip nang may natanggap akong text galing sa isang malapit na tao sa akin.


Ang pag-asa ko.

My adviser

The Story Of Us (wishes)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora