Truths are revealed

13 1 1
                                    

Kinabukasan, maaga kaming nagising nang mga kaklase ko para simulan ang project namin. Naging busy ako sa araw na ito kaya hindi ko nakausap ang mga kaibigan ko sa wattpad.

Nag-eedit ako nang video nang dumating si Lester at umupo sa may gilid malapit sa akin.

Mukha siyang problemado. Alam na alam ko na ang ganyang mga kilos ni Lester kaya, tumigil muna ako sa pageedit at tumingin ako sa kanya.

Nakita naman ang gulat niyang reaksyon.

"Prob?"

Matagal niya akong tinitigan.

"Bok..."

"Oh, bakit?"

"Naisip ko lang...kung pwede lang na may isa akong katauhan siguro makakaya kong gawin ang lahat yung mga bagay na hindi ko magawa dati pwedeng magawa nang iba kong katauhan di ba?"

"Ang lalim ah? Haha pwede mo namang gawin ang isang bagay na ikaw lang bok. Kailangan mo lang nang lakas nang  loob."

"Ganun ba?"

"Oo...basta maniwala ka lang sa sarili mo bok. Hindi mo kailangan nang ibang katauhan para magawa ang isang bagay."

"Salamat sa payo bok. Maaasahan ka talaga haha. Sige punta lang ako kay Joshua"

"Sige..."

Natahimik ako at inisip ko ang mga sinabi ko kay bok kanina.

"Bakit ang ibang problema kaya mong solusyunan, kaya mong payuhan? Pero, ang sarili mong problema hindi mo kayang lusutan?"

Napabuntong-hinga ako at ibinalik ang aking atensyon sa pageedit.

Patapos na sana ako sa pageedit nang video ngunit, may kulang na pic kaya nagbrowse agad ako.

"Nasaan ba yun?"

Sa paghahanap ko nakita ko ang logo nang wattpad. Natigilan ako at naalala ko ulit ang sinabi ko kay bok

"Oo...basta maniwala ka lang sa sarili mo bok. Hindi mo kailangan nang ibang katauhan para magawa ang isang bagay."

--------------------------------------

Hapon na nang matapos namin ang lahat. Himala, kasi buong araw kong hindi nahawakan ang cellphone ko hindi gaya nung dati na hinding-hindi ko ito mabitawan. Tinginan ko ang cellphone ko at ito ang mga text na natanggap ko.

"Sino ka ba talaga shonne?"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa.

"A-alam na nila?"

The Story Of Us (wishes)Where stories live. Discover now