pagod na pagod na ako(by aldwin azada ferrer)

4 0 0
                                    

nais kong maglakad sa malakas na ulan
para matakpan ang bawat pagpatak ng luha ko ng padahan
dahan
para hindi na mabasa ang mga unan
dahil sa tuwing gabi sila ay aking iniiyakan
dahil gustong gusto na kitang
kalimutan
pero di ko magawa dahil sa pagkabilanggo ko sa
nakaraan
sa pagibig na pinagtibay nang tiwala at
pagmamahalan
pero siguro dapat ko nang pakawalaan
kasi masyado na akong nasasaktan
at dahil ako na lang naman ang nasasaktan.

ayokong nang paulit ulit na magpakatanga
masyado nang nakakasawa.
masaya ka narin naman diba?
kaya ano pang karapatan ko para mang abala?
siguro nga di ganon kadaling mawala lahat ng alaala ng "TAYO"
siguro hindi kitang kayang iwan
pero ikaw ang unang lumisan
kaya tama na.
ayoko na.
alam kong matagal ka nang sumuko.
siguro kailangan ko nang magpahinga.
pagod na pagod na ako
kakahintay sa pagbabalik mo
at kakatanong kung BABALIK KA PA BA?
babalikan mo pa ba ako?
may lugar pa ba ako sa puso mo?
o bigyan mo ba talaga ako kahit konting espasyo?
pero ayos na malinaw na sakin ang lahat to
na hindi mo na ako mahal
na sa pagibig natin hindi ka susugal
at hinding hindi na mo ako mamahalin
kaya hindi na rin kita pipilitin
pero mahal,salamat sa hindi mo pagtupad sa mga pangako mo
salamat dahil sinaktan mo ako
ngayon mabibigyan ko na ng oras,pagmamahal at atensyon ang sarili ko
salamat.
makakapag pahinga na ako

unsaid.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon