maganda ang takbo nung una kasi masaya pa tayo
maayos naman yung umpisa kaso biglang nagbagodumating lang sya. mali sya pala ay bumalik
dala dala ang masasaya nyong alalang kupas
niyakap ka nya ng mahigpit
na tila wala nang bukas
nilapitan mo ako at sinabing eto na ang wakas.dahan dahan na silang pumapatak.
tuloy tuloy nag aagusan
gusto kong manapak
kaso ayokong may5 masaktan
kaya tiniis ko sya
kahit alam kong puso ko
naman ang masusugatan.okay na ako.kaso nagpakita ka nagtanong kung pwede pa ba
tinanong kita kung asan na sya
sagot mo naman wala na
tinanggap ulit kita
kahit di pa magaling yung sugat na dinulot mo
tinanggap ulit kita kahit alam ko narin naman ang kahihinantan nito.
ilang buwan lang
at bumalik na nga ulit sya
tinitigan mo ko
sinabihan kitang alam ko na gagawin ko
"anjan na sya aalis na ako".alam ko naman kasing sya lang talaga
ako lang naman ang
pasaway
alam ko namang wala akong laban sa kanya hawak nya yung puso mo ang akin lang ay
kamay
unti unti akong pinapatay
pag nakikita kitang masaya
masaya sa piling nya.
yung sayang di ko nabigay
ibang iba kaming dalawa
masaya ka sakin pero mas masaya ka sa kanyaramdaman ko ang pagmamahal na nadarama mo
pero sana magising ka
sya ay naglalaro
pero bakit mahal na mahal mo pa?
bakit hindi mo magawang dumilat sa katotohanan
na ginusto ka lang nya pero di ka nya minahal.
kailangan ka lang nya kaya hindi sayo nagtatagal
ang tanga mo.
hindi mo nakikita ang mga sakripisyong bibibigay ko.
pero okay na sakin basta't masaya ka
kaya kahit mahal na mahal kita
sa kanya ka na
