ikaw (Aldwin Azada Ferrer)

4 0 0
                                    


ikaw ang aking mundo
sayo ang bawat pag tibok ng puso
ikaw ang aking lakas
at kahinaan
ikaw ang mga bukas
at ikaw ang nakaraan
mahal ikaw saakin ang lahat
kahit ilang beses mang baguhin
ang istorya ng ating pag mamahalan
ay ikaw at ikaw parin ang aking hantungan
dahil mahal kahit ang memorya ko ay mag laho
ay mananatili ang mga alaala nating binuo
sapagkat sila ay di lang mga masasayang alaalang aking itinago
sila ay aking ibinaon sa puso na pang ginto
dahil sila ay mga kayamanan
at ikaw ang aking yaman

sa pagtanggap mo sa akin
ay isang bagong kabanta ang ating bubuuin
sa libro nang buhay ko
ikaw ang prinsesang habang buhay kong iibigin
pagsisilbihan kita at rerespetuhin
hindi ako puro pangako at salita
kaya't pagpapaguran ko ang pag mamahal ko sayo
para mapatunay ito'y busilak at totoo
sa bawat paglipas ng panahon
ay para akong nahuhulog sa napakalalim na balon
ng pagmamahal ko sayo at hindi ko na gugustuhin pang umahon
dahil masaya ako dito
masaya ako sayo

di ko man masabi kung gaano ka kahalaga
mahal saakin ikaw ang bawat paghinga
ikaw ang hangin na aking kailangang
ikaw ang aking hantungan
ikaw ay araw araw nasa puso't isip
at gabi gabi ay ang magandang panaginip
aking natagpuan ang kapangyarihan ng pag ibig
sa mga yakap mong kay higpit
sa mga halik mong kay tamis
hindi na matatapos ang ating istorya
sandamakmak na ng papel ang aking inihanda
kasama ang mga plano ng ating bukas
bukas na kay ganda
isang pamilya
kambal na anak
isang tahanan
kaya mahal wag kang mawawala
dahil sa pangarap ko ikaw ang kukumpleto
kaya mahal salamat at dahil ako'y iyong binuo
salamat dahil sayo natutunan kong magmahal ng totoo

may mga hirap at sakit na dapat nating pagdaanan
pero pangako mahal hindi na kita bibitawan
yayakapin kita ng kay higpit
hagkan mo ako
at papadama ko sayo ang tunay na pagibig
ako'y laging nandito
para maging balikat
na maaring sandalan ng iyong ulo
maari mo akong maging tagapayo
kaibigan,tatay,kuya at kahit ano
ganyan kita kamahal
hahamakin ko at gagawin ko lahat para sayo
hindi na ako bibitaw
hanggang meron isang
ikaw

ECGU.

unsaid.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon