ano nga ba ang mga pangarap ko?
pangarap kong mahalin mo ako
gaya ng pagmamahal mo sa kanyamahalin mo ako na parang ako ang lahat sayo
mahalin mo ako ng buong puso
pangarap kong maging mahalaga
gaya ng pagpapahalaga mo sa kanyayung tipong araw araw mo akong tatanungin kung kumain na ba ako
yung tipong araw araw may pagkamusta ka
sa kung pano uumiikot sa kanya ang iyong mundo.
sa kung pano mo sabihang mahal mo sya
pangarap kong ipakilala mo ko sa lahat
gaya ng ginawa mo na ipinagsisigawan sa mundo na mahal na mahal mo sya.
na hahawakan mo yung kamay ko sa daan
patunayan na kaya mo akong panindigan
pangarap kong harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kasama ka
at ako ay iyong aalalayan pag akoy nahihirapan na.
pangarap kong maging sya.
na nasakanya ka.sya na nakakadama ng mga gusto kong maramdaman
sya na nakikita na lagi kang anjan
sya na meron ng lahat
sya ang kinaiingitan ko.
sya na may matatawag na KAYO
pangarap kong matupad lahat ng pangarap ko.
dahil sawang sawa na ako kakahiling at kakadasal
na sana tayo nama ang ikakasal
ako'y nahihirapan at nasasaktan
sa kakapantasyang ako ang iyong mahal
pero wala akong karapatan
na masaktankasi una sa lahat mas pinili kong maging tanga
at malunod sa pagmamahal
kaya kahit na alam kong imposible aasa't aasa parin ako
na balang araw darating yung panahon na may matatawag nang TAYO
na hindi na lang puro pangarap
yung araw na masaya tayo pareho
yung walang nang sakit at hirap
pero ang hirap.
dahil wala ako sa mundong ginagalawan mo
ang hirap dahil hindi mo kayang ibalik ang pag mamahal na nabibigay ko.
pero uulitin ko TANGA ako
kaya kahit mahirap ay titiisin ko
hanggang sa matupad lahat ng to
kahit walang kasiguraduhan
sa pagdating mo.
dala dala ang mga pangarap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/118744457-288-k77816.jpg)