pagsisisi
ang paulit ulit kong nararamdan
kapag naaalala kung pano kita nilisan
sa gabi na kay lamig
sakit ang tanging
nakikita ko sa mga mata mo
mahal patawarin mo ako
sa lahat ng nagawa ko sayo
patawad kung hindi ko nakita ang halaga mo noong na saakin ka pa
at ngayon ako'y paulit ulit na nagdurusa dahil ngayon lang nalaman ang iyong halaga
kung kelan wala ka na
ikaw ay nawala
dahil sa mga akala kong tama
sa akalang magiging masaya ako kapag malaya
sa akalang magiging masaya kapag wala ka
sa akalang kaya kong mag isa
sa akalang makakahanap ako ng isa
pero mali lahat ng to
huli na pero mahal nais kong malaman mo na
mas gugustustuhin kong mabilango sa pagibig mo
mas gugustuhin kong maging malungkot sa piling mo
mas gugustuhin nandito ka sa tabi ko at sa kung paano mo ko yakapin at halikan sa noo sabay sabihing mahal mo ako
at mas gugustuhin kong mabulag sa pagmamahal sayo
pero gustuhin ko man ay wala ka na
dahil sa hindi ko sayo pagpapahalaga
ngayon kahit ipagsigawan kong mahal na mahal kita ay
wala nang magagawa
dahil kasalanan ko rin naman
kung bakit ka anjan
at wala rito sa tabi ko
dahil iniwan kita
at sinugatan ko ang puso mo
pero mahal kahit na malabo
kahit alam kong di na mangyayari na tayo ay mabuo
umaasa parin ako.
umaasa na sana akoy mahal mo parin
sana ikay aking muling makapiling
sana lahat ng sugat na nadulot ko ay gumaling
sana makabalik ako sa nakaraan
sana matama lahat ng kamalian
sana kaya mo parin akong mahalin gaya ng dati
sana ako ang panaginip mo tuwing gabi
sana ikay muling kumapit
sana ikay bumalik
pero lahat ng to ay wala paring magagawa
sa katotohanang saakin ay wala ka na
at sayo ay matagal na akong walaalam kong masaya ka na rin naman dahil meron nang sya.
sya na alam ang tunay mong halaga
sya na makakapagbigay ng kailangan mong kalinga
sya na hindi magiging ako
sya na magpapahalaga sayo
sya na mahal mo na ngayon
sya na sa puso't isip mo nakabaon
pero kahit ang kinhantungan ng pagiibigan na ating binuo
salamat sa lahat ng sakripisyo mo mahal
ngayon ako naman ang susugal
ako naman ang magdurusa
ako naman ang luluha
ako naman ang lalangoy sa pinagahunan mong dagat ng sakit
ako naman ang aakyat sa binabaan monh bundok ng hinagpis
ako naman ang haharap sa tinalikuran mong unos ng pagibig
ako naman ang matutulog para sa mga masasama mong panaginip
ako naman. ako naman
nalalaman lang natin ang halaga ng isang tao kapag wala naECGU.