▬▬▬▬ ⋆ ▬▬▬▬
s i n o k a ?
nasa harap ng salamin
ng aking mapansin
ang babaeng nakatingin pabalik saakin,
hindi lubos na makilala kahit anong gawin.
sino na nga ba ito?
lahat sakanya'y nagbago,
pananamit, ugali at pati pakikitungo nito.
ano na nga ban nangyari babaeng dating kinamamanghaan ng mga tao?
Hindi mapagkakailang magbago ang isang tao pagkatapos dumaan sa isang mahirap na sitwasyon. Sa kalupitan at sakit na dinanas nito, hindi mapipigilang magbago para hindi na masaktan muli o ma-abuso pa ang kabutihan niyang pagkatao.
Ngunit mayroong mga taon nagbabago upang makasabay lamang sa daloy ng tinatawag na 'uso'. Tipong gagawin nila ang lahat maturingan lang na 'cool' at hindi 'baduy'. Minsan pa'y may mga taong nagjo-jowa para lang hindi masabihan na ang kanilang mukha ay di kaaya-aya o walang nagkakagusto sakanila.
Mayroon ding mga taong, sa sobrang gusto nilang hindi mawala sakanila ang kanilang nobyo o nobya, sa sobrang pagkabaliw nilang magmukhang perpekto sa mga mata ng kanilang kasintahan, pilit silang nagbago hanggang sa sarili'y hindi na nila makilala.

BINABASA MO ANG
tula at ang kanilang storya
Randoma compilation of poems and short stories under the language of English and Tagalog.