// 2

568 6 4
                                    


   

 ▬▬▬▬ ⋆ ▬▬▬▬    


bakit ba kailangang masaktan?

pagmamahal ay gusto lamang makamtan.

Gaano ba kamahal ang kasiyahan?

ng akin naman ito'y mapagipunan.


sa lahat ng aking gusto--saya--lang ang pinakanatatangi. masasabi kong masaya ako sa piling ng aking mga kaibigan, ngunit iba parin sa pakiramdam ang minamahal, hindi ng magulang kundi isang taong kaya kang pahalagahan. pero sa mga taong nagdaan sa aking buhay, bakit palagi na lang ganon ang nangyayari?

kung hindi ako gusto, may mahal na iba. kung akala'y ayun na, biro lang pala sakanya.

paulit-ulit na lang, nakakasawa na. ano ba ang kailangan gawin para ako nama'y sumaya? Kailangan ba maging kasing ganda nila? kasing sikat nila? kasing ganda ng katawan nila o kasing galing sa kama tulad nila? 

tula at ang kanilang storyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon