// 3

487 4 0
                                    





▬▬▬▬ ⋆ ▬▬▬▬

i n g g i t


paano nga ba maging katulad nila?
kahit anong subok ang ginawa,
bawat gaya palaging pumapalya.
paano nga ba maging maganda tulad nila?


Sa buong buhay ko, mabibiling sa iyong mga daliri kung ilang beses ako nasabihan ng maganda. Hindi dahil sa panget ako, kundi mas madami lang talagang babae ang kapansin-pansin kesa saakin.

Lalo't na kung ang iyong mga kaibigan ay di mapagkakailang magaganda, tipong kahit pawisan ang sarap parin nilang pagmasdan, habang ikaw ay parang galing sa bakbakan.

Minsan, kahit anong pilit na angat mo sa iyong sarili, patuloy pa rin itong bumababa dahil sa iyong mga nakikitang angkin nilang ganda na walang hirap kung ipakita.

tula at ang kanilang storyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon