// 4

426 4 0
                                    




▬▬▬▬ ⋆ ▬▬▬▬

r e s p e t o,   n a s a a n    n a?


mga matang nagmamatiyag,
bihag sa kalooba'y pagnanasa
sa isang kaakit-akit na dilag
na sakanila'y palaging nababahala.


Siya'y itinuring na napakahalagang kayamanan ng kaniyang mga magulang. Inalagaan, inaruga, pinaliguan ng pagmamahal galing sakanila. Iniiwasang masugatan ang makinis nitong balat, ni lamok ay 'di pinapapalapit sakaniya.

Ngunit sa tuwing siya'y nalalayo sakanila, 'di maintindihan kung bakit ganon ang mga tao sa paligid niya.

Malalagkit na tingin, mga puring nakakabastos. Kahit desente ang suot, di maiwasang hindi titigan ng mga tao na nakatambay sa kanto. Hindi makapaglakad sa dilim ng gabi dahil sa panganib na dulot ng mga lamang nananabik.

Ano nga bang nangyari? Bakit nawala pati ang respeto sa mga babae? Huwag sabihing sila'y nabababoy dahil sa kanilang damit na kapos, dahil kahit si Maria Clara'y balot na balot, siya pari'y nababastos.

Ito'y nasa mga tao na, kung talagang sila'y edukado at pinalaking tama, kung naiisip nilang may ina at kapatid silang babae, marunong silang rumespeto sa babae kahit na anong suot, o kahit na wala itong saplot, dahil iyon ang tama.

tula at ang kanilang storyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon