Chapter 3-The Ball

98 22 9
                                    

"Anong ginagawa ninyong dalawa rito? Mga magnanakaw!" gulat na sigaw ng matandang nagmamaneho sa wagon nang buksan niya ang likuran nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong ginagawa ninyong dalawa rito? Mga magnanakaw!" gulat na sigaw ng matandang nagmamaneho sa wagon nang buksan niya ang likuran nito.

Napabalikwas naman si Cindy at ang estranghero na mahimbing na natutulog sa loob.

Nagkatinginan ang dalawa sa harap ng nag-aalburutong matanda. Tila kinukonsulta ang isa't isa sa kung ano ang gagawing aksyon.

Nang ibalik nila ang tingin sa matanda, bigla itong nawala kaya kinuha nila ang pagkakataon na makaalis sa kinalalagyan. Mabilis silang nag-unahan sa pagbaba at humarurot ng takbo palayo.

Naiwan namang sumisigaw ang uugod-ugod na matanda habang winawasiwas ang hawak nitong pamalo. Hindi na nito kayang humabol pa sa dalawa dahil na rin sa katandaan.

Humahangos ang dalawa nang makarating sa looban ng karatig bayan. Mukhang may pagdiriwang na gaganapin sa lugar dahil na rin sa nakasabit na makukulay na papel sa kapaligiran nito.

"Anong lugar 'to?" hinihingal na tanong ni Cindy.

"Masuden," kalmadong pahayag ng kasama habang nakatitig sa nakasulat na anunsyo.

Sinundan naman niya ito ng tingin. "Paanyaya sa lahat ng dilag at matipuno ng bayan sa gaganaping piging sa hatinggabi ngayong araw sa bayan ng Masuden," marahang bigkas niya sa nakasulat.

"Hanggang sa muli!"

Napalingon siya sa nagsasalita. Hindi niya napansin na sa isang iglap lang, naglalakad na palayo ang estranghero.

Naiwan siyang mag-isa sa kinatatayuan kaya napagdesisyunan niyang mamasyal na lang sa lugar. Napapangiti siya habang iniisip na isa itong magandang paglalakbay kaysa makulong sa bahay ng kanyang lola.

Nakipagsiksikan siya sa taong-bayan kung saan may mga nakabalandrang paninda. Ang lubos na ikinatuwa niya ang ay ang libreng tikim ng mga pagkain. Saktong-sakto dahil wala rin siyang pera.

At talagang sinusulit niya ang pagkakataon. Hindi pa nga niya nangunguya ang unang pagkain, isinusubo na naman niya ang kasunod.

"Dapat may pondo ang tiyan ko. Baka sa susunod, wala na akong makain," usal niya kahit puno ang bibig.

Napatigil siya sa pagnguya nang mapansin ang isang matandang ale na namumulot ng natapong mansanas sa kalsada. Napansin niya ang natuwad na basket katabi nito kaya lumapit siya upang tulungan ito.

"Heto pa po," sambit niya habang iniaabot ang isang mansanas na hawak.

"Maraming salamat, hija," nakangiting tugon nito.

Tinulungan pa niya itong pulutin ang ibang gumulong sa 'di kalayuan. Nang mapuno ulit ang basket, napansin niya na medyo nahihirapan magbuhat ang ale dahil may hawak pa itong tungkod sa kanang kamay.

"Ako na po. Ihahatid ko na po kayo sa inyo." Inagaw niya ang basket at nginitian ang matanda.

"Gano'n ba, maraming salamat sa tulong, hija. Pagpalain ka nawa."

Fairy Tale Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon