Walang ideya si Arkus kung alin sa mga aklat sa loob ng aklatang ito ang hinahanap niya subalit kailangan niyang kumilos para sa amang hari. Kailangan niyang mahanap ang ipinagbabawal na aklat sa madaling panahon.
Inilabas niya mula sa bulsa ang isang malaking susi at ipinasok sa hulma ng tarangkahan. Bumukas naman nang bahagya ang pinto ngunit hindi pa rin nila maaninag ang loob nito dahil madilim ang looban.
"Teka, anong gagawin mo riyan?" pag-uusisa ni Cindy.
"Anong mo? Tayo ang may gagawin sa loob," nakangising sagot ni Arkus sabay akbay ulit dito.
"Ano? Manyak! Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ni Cindy. "Tulong! Tu-" Hindi na siya nakapalag pa nang takpan ni Arkus ang bibig niya at hilahin papasok sa loob.
"Huwag kang maingay at baka mahuli pa tayo," paliwanag ni Arkus habang maingat na isinara ang pinto at hindi pa rin pinapakawalan si Cindy.
Nang makasiguro na nakasarado na ang pinto, saka lang niya binitiwan ito kasabay rin ng pagliliwanag ng paligid. Tumambad sa harapan nila ang sandamakmak na libro na nakahilera sa mga istante. May maliit na mesa at sofa sa gilid din sa nais magbasa.
"Anong gagawin mo sa akin dito? Wala kang mapapala sa akin," matapang na sambit nito. "At isa pa...wala ako nito." Naiilang nitong turo sa sariling dibdib.
Pero sa halip na sagutin ito ng binata, tumawa lang ito. Isang malakas na tawa dahilan ng pagkunot ng noo ni Cindy.
Mayamaya ay nagsalita rin si Arkus. "Anong iniisip mo na gagawin natin dito? Iniisip mo bang..." Unti-unti siyang humakbang palapit sa kinatatayuan ni Cindy.
"Huwag kang lumapit...kung ayaw mong sumigaw ako," pagbabanta nito sa kanya subalit patuloy pa rin siya sa paghakbang.
Natigil ang pag-atras ni Cindy nang masandal ito sa isang istante. Halatang lito ito sa kung ano ang gagawing hakbang na depensa rito.
Nang isang dangkal na lang ang kanilang pagitan, lalo niyang inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga. Ngunit imbes gawin ang mga banta nito sa kanya, hindi na nagawang magsalita pa ni Cindy. Walang ibang maaaninag sa mga mata ni Arkus maliban sa aura ng pagiging seryoso.
"Ang gusto ko lang naman ay..." Natigilan siya sa pagsasalita saglit at saka nagpatuloy, "magpatulong sa paghahanap ng libro." Mabilis siyang nakabengwet ng libro sa likuran ni Cindy at tumalikod saka ibinuklat ang mga pahina nito. "Tutal narinig mo na naman ang lahat kanina." Ibinalik niya ang tingin sa dalaga.
"Iyon lang!?" hindi makapaniwalang sambit nito.
"Bakit? May gusto ka pa bang gawin...natin?" nang-aasar na tanong ni Arkus.
"Wala. Wala." Agad nitong inilibot ang tingin sa paligid at tumalikod upang makaiwas na rin sa pang-aasar ni Arkus. "Anong libro ba rito ang hahanapin natin?" Ginagawa nitong abala ang sarili sa pagpipili ng libro.
"Iyon ang hindi ko alam. Walang masyadong nakakakita pa noon kaya walang makakapagsabi sa akin kung ano ang hitsura nito. Basta maghanap lang tayo. Malalaman naman siguro natin kung may kakaiba rito." Abala rin ito sa pagbuklat ng ilang mga aklat sa istante.
"Ang laki nito. Baka abutin pa tayo ng isang taon kung iisa-isahin pa natin ang mga libro rito." Nakapameywang na wika ni Cindy habang sinusuyod ng paningin ang kabuuan ng aklatan.
"Kung kikilos ka riyan at hindi tutunganga, baka makita pa natin agad," sagot niya rito.
Napaismid naman ang dalaga saka nagtungo sa kabilang istante upang maghanap ulit.
Sinundan niya ng tingin ito at napangiti na lang nang marinig ang mahinang pagrereklamo nito. Hindi niya alam kung bakit natutuwa siyang makitang pikon ito. Ang alam lang niya, masaya siya sa tuwing magkasalubong ang kilay nito.
BINABASA MO ANG
Fairy Tale Next Door
Fantasy"We keep on searching for our own fairy tale stories not knowing it is just there...next door." Samahan si Cindy sa kanyang paglalakbay sa isang mahiwang lugar at subaybayan ang mga pagsubok na kanyang kakaharapin upang maging isang ganap na dalaga...