Chapter 2

25 1 0
                                    

[MASQUERADE PARTY]

Nandito na lahat sa venue and syempre lahat naka mask matching their elegant gowns, tuxedos & cocktail dresses. Black and white ang theme ng party, medyo fierce ang datingan. At syempre outstanding kaming dalawa ng girlfriend ko. I must say na maganda ang pinagawa ni Helena at hindi ako naniniwalang hindi malaki ang nagastos niya dito. Naiilang tuloy ako. Kilala narin kasi kami dahil sa pagiging artista and model naming dalawa.

"Diba si Dean Santiago yun?" Bulong ng isang babae.

"Oo, and there oh. Si Helena Scott yung katabi niya. Totoo palang nag dadate sila." Dagdag pa nung isa. Natawa nalang ako, kahit pala naka mask ako kilala parin ako. Hays, hirap maging gwapo. Napalingon si Helena sakin.

"Umiral nanaman yang kayabangan sa katawan mo" Singit ni Helena habang tumatawa ng mahina.

"Bagay naman eh."

"Helena?" Tanong nung babaeng dumaan at tinanggal ang mask nito.

"Aileen?" Gulat naman na tanong ni Helena, siguro long lost friend niya muka kasing gulat na gulat e.

"Yes, Oh my ghad. You look so damn gourgeous! Glad you came, hindi ba busy sched mo?" Tanong nito. Nakita kong napatingin sakin yung babae na parang sinusuri kung sino bako.

"No, I came with my fiance. Uh, Dean this is Aileen." pakilala ni Helena. Inilahad ko ang kamay ko nakipag kamay sa kanya.

"Dean Santiago? Omg! Fiance mo siya? So rumours are true? You're very lucky Helena." Gulat na sabi ni Aileen daw.

"No, I'm the one who's lucky." Singit ko naman, Totoo naman yon. Helena is one of a kind. She's beyond perfect. Parang yung dream girl ng lahat ng lalake ay siyang siya. And you're a retard if you ever let her go.

"Omo! you're so humble." Sagot nito sabay palo sa braso ko. If I know, chansing lang to eh. Girls nowadays.

"Ehem! Goodevening ladies and gentlemen." Salita ng lalake sa harap, siguro iyon ang mag host sa buong party. Mag start na ata yung party. Nagpalakpakan ang lahat. May ilang message at speech about sa mga nangyari nung college days nila.

Sikat pala si Helena sa school nila. I know that she graduated as a cum laude pero I didn't know na president pala siya sa room nila. I can't imagine her being strict. She's just so pure. Parang hindi nagagalit o naiinis. Marami pakong nalamang ibang kalokahan nila sa batch nila and hindi naman totally boring because may mga nalalaman ako about kay Helena na hindi niya naman naikwento sakin

"Okay guys! We're having a short game. Is it okay for everyone?" Tanong ng MC, lahat naman nag YES except me. Ano nanaman to? Okay na yung kanina nilang concept eh.

"Gentlemens, kindly bring your partners with you in the dance floor." Utos nito. I can sense that this is going to be crazy. Pero hinila ako ni Helena so no choice. 

"So this game is called Lead me DESTINY, So game lang to. Katuwaan lang, Okay?" paliwanag nung host.

"Okay, okay!" Sigawan nung iba. Napatingin nalang ako kay Helena and binigyan siya ng I-Don't-Want-To-Join look.

"Let's just try it, just this once." Pilit niya, ayoko talaga dahil ang childish ng game mula palang sa name pero sobrang mapilit niya at nagpacute pa siya sa harap ko kaya pumayag nalang ako.

"So mag foform ang mga lalake ng isang giant circle habang nasa loob ang mga babaeng nakarumble at nakablindfold. Papatayin yung mga lights at maglalakad ang mga babae kung saan direksyon man at nandun yung lalakeng mapupuntahan nila na kanilang destiny sa larong ito. Pag bumukas na yung ilaw tatanggalin ang blindfold ng babae at ang mask ng lalake. You'll see who's gonna be your partner para sa isang slow dance. Bawal mag salita or magtanong. Gets? Game lang to. Malay niyo yung partner niyong babae mahanap kayo or kayo yung lapitan. Then you guys are really destined!" Paliwanag nung host sa game niyang walang sense. Ngayon ko lang narinig ang gantong game.

The Wounded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon