Chapter 3

35 0 0
                                        


Helena's POV 

I saw it all. I defenitely saw it all with my own eyes. How Monique begged him to be with her again after saying sorry and how Dean held it in. I know somehow ginusto ni Dean na alamin ang mga naging rason ni Monique. I can see the curiosity in his eyes. I know if ibang babae ang nakasaksi ng ganito siguro kung ano na ang nagawa kay Monique, but all I can feel for her is pity, yes may part sakin na naiinis dahil sa sinabi niyang balikan siya ni Dean kahit alam niyang meron ng ako, pero mas nangingibabaw yung awa eh. Maybe because naiisip ko na hindi niya sinadyang iwan si Dean. Na may malalim na reason?

Nakita ko ring may tumulong luha sa mata ni Dean, after 6 years. Ngayon lang umiyak si Dean. Kahit patak lang yun. Nasaktan ako, I have this feeling na walang saysay ang 6 years kong effort para mapalitan si Mia sa puso niya. Maybe importante ako sa kanya dahil siguro nasanay na siyang kasama ako at siguro nga mahal niya ko pero yung pag mamahal niya sakin ay walang wala pa sa pagmamahal niya kay Mia noon. Mahal parin niya si Mia at kita ko yun sa mga mata niya. Siguro hindi niya lang yon maramdaman sa ngayon dahil galit pa siya at natatakot ako kung sakaling maramdaman niya na ulit.

Di ko maiwasang matanong kung ano pabang kulang? Lahat ng pinaghirapan ko nawala lang ng isang sorry. Hindi ko rin mapigilang isipin na ako yung kontrabida. Siguro nga sa mata ng iba ako yung mang aagaw pero anong magagawa ko mahal ko si Dean. At pag mahal ko wala akong pake sa sasabihin ng iba, kaya kong ipag laban si Dean kahit kanino. Kahit parang ako yung naglalayo sa kanilang dalawa hindi ko hahayaang mawala sakin si Dean, I just can't.

Dean's POV 

"Babe? Babe wake up!" Yugyog ni Helena sakin. Ang aga aga pa eh. Ano ba naman to si Helena.

"San tayo pupunta?" Atsaka ko minulat yung mga mata ko.

"Gala tayo around the resort, please?" Gusto ko mang tumanggi dahil inaantok pako pero kung ganto naman kaganda ang mang aaya sakin aayaw paba ako?

"Okay fine but kiss me first." Nagulat ako dahil siya nagprotesta she leaned closer and kissed me.

Naligo na ako tapos nauna nang bumaba. Matagal pa kasi yung babaeng yun eh. Mag aayos pa yun. Kaya pumunta muna ako sa coffee shop nung resort para bumili ng paborito nung babaeng yun. Pagtapos ko umakyat na ako. Pagbukas ko ng pinto halos tumulo na yung laway ko.
Ako ba talaga ang mahal ng babaeng to? Etong perpektong babae sa harap ko? Nakita niyang dumating nako

"How do I look? Okay lang ba?" Napatigil ako, nakakastar struck siya. Is she even human?

"You look so damn gorgeous." Yun nalang ang nasabi ko. Mukha siyang anghel na kakababa lang ng langit kahit walang make up o ano.

"Really? Thanks babe! Kaya love kita eh." Sagot niya at kiniss ako sa cheeks. Shit. Ba't ganto? Ang init ng mukha ko. Kinikilig ba ako?

"Tara na?" Sabay abot ko sa pinabili niyang Frapuccino.

"Yes boss." Sagot niya bago ngumiti, Helena bat ka ba ganyan?

Paglabas palang namin sa unit ay kita ko na agad ang mga mata na nakatingin kay Helena lalo nung sumakay kami sa elevator at lumabas sa hotel. Gusto kong dukutin ang mga mata nila. Nakakainis.

Tumigil si Helena sa tapat ng beach. Binigay niya sakin ang dlsr niya at kuhunan ko daw siya ng litrato. Halos lahat napapatingin sa kanya at naiins nako sobra.

"Okay na?" Tanong niya sakin

"Mm." sagot ko habang tinitingnan yung mga pictures niya. Galing ko palang kumuha ng pictures lalo na pag si Helena yung model.

The Wounded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon