Chapter 4.

25 0 0
                                        

Dean's POV 

Paglabad ko ay wala na masyadong tao. Naglakad ako malapit sa tabing dagat at gumawa ng maliit na bonfire. Mahilig kasi akongag camping dati kaya marunong ako.

Hindi ko alam bakit hindi pa ako dinadapuan ng antok kahit sobra akong napagod sa kaka akay kay Helena kanina. Bahagya akong napatawa nung nalala ko si Helena kanina.

"You look very happy"

Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko. What is she doing here?

"Oh monique? Ikaw pala." sambit ko nung naglakad siya papunta sa harap ko.

"Yes. Pwede makitabi?" tanong niya naman, tumango ako.

"Go ahead. Sa boyfriend mo naman tong beach, right? Nasabi sakin ni Helena" Sagot ko at ngumiti, nakwento kasi sakin ni Helena na sa bestfriend niya pala itong resort. Umupo na si Moniqie sa tabi ko, hindi ganon kalapit at hindi rin sobrang layo. Ngumiti siya sakin pabalik

"Dean..." Tawag niya pero dun siya sa dagat nakatingin. Tiningnan ko lang siya, ano tong nararamdaman ko? Hindi ko alam ano ba tong nararamdaman ko pero kung ano man ito ay ayoko naring alamin pa. I don't want to mess everything up. I cannot afford to lose Helena.

[6 years ago]

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno sa memorial park kung saan nakalibing si Lolo. Nag away nanaman kasi si Mom at Dad. Lagi nalang business ang iniintindi nila. Buti pa si Lolo at Lola nandyan para sakin. Pero ngayon si Lola nalang dahil wala na si Lolo, masakit parin isipin. Hindi parin ako makapaniwala
Tumulo nanaman ang luha ko. Wala ako nung nawala siya dahil sinama ako ni Dad sa isang business meeting sa Sydney.

"Lolo, nandito nanaman po ako. I'm sorry kung palagi kitang naiistorbo. Ikaw lang kasi ang gusto kong makausap. Si Mommy at Daddy, they're fighting nanaman because of that damn business." napatigil ako dahil naalala ko nanaman yung mga sigawan sa bahay

"Sorry dahil wala ako don nung mga huling oras mo. I wasn't there to held your hand, to remind you that you're the strongest person I know. I will always regret that Pa. But I hope you're now peaceful and happy."
Mas lalong bumuhos ang luha ko. No one is here so I don't care. Hindi naman masamang umiyak paminsan minsan lalo na pag masakit na talaga. Si Lolo na halos ang nagpalaki sakin, he's the one who shaped me to become a better man because my father failed to do so.

"Hey, are you okay?" Rinig kong salita ng isang babae. Fuck. Napapunas ako sa luha ko. Umupo siya sa right side ko. Magkatabi ang dinadalaw niya at ang puntod ni Lolo.

"Mind your own busines- -" Napatigil ako nang nakita ko siyang nakangiti. She look so amazed. Parang nakakita siya ng kakaibang pangyayari. I can't help but acknowledge her face. She's beautiful. Her features are well defined. I think half blooded siya. Korean maybe?

"Dapat hindi mo pinunasan, okay lang naman eh... " sabi niya at ngumiti pa lalo. Nakatingin lang ako sa kanya dahil wala naman akong masabi. She just saw me crying like a little boy. Great.

"Minsan kailangan talaga nating umiyak lalo na kung hindi na talaga natin kaya, yun bang feeling mo punong puno na. Hindi naman masama umiyak eh, lahat ng tao may karapatan kahit lalake kapa wag mong ikahiyang umiyak ka. Because that's a proof that you're matured enough para tanggapin ang kahinaan mo at mga pagbabago sa buhay mo. Even if it's tears of joy or tears of pain, you have all the right to cry. Sadya kasing lahat ng tao kailangang sumaya ng sobra at masaktan din ng sobra. " Paliwanag niya, bigla nalang akong napangiti. For the first time ngumiti ako at dahil yun sa anonymous na babae. Yung mga katagang gusto kong marinig ay sinasabi niya sakin ngayon. Para siyang si Lolo.

The Wounded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon