seven

21 5 0
                                    

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si mama at papa sa sala. Umiiyak si mama sa braso ni papa habang yakap nito.

I feel guitly. Alam ko, kasalanan ko kung bakit umiiyak si mama. I hate to see her cry pero heto ako, ako ang dahilan kung bakit sya umiiyak.

Hindi nila napansin ang presensya ko. Lalapit na sana ako para magsorry sa kanila, dahil mali ang inasal ko kaninang umaga. Pinaiyak ko at pinagalala sila. Pero narinig ko ang pinaguusapan nila.

"Shhh..tahan na. H'wag kang ng umiyak. Makakasama yan sa baby" narinig kong sabi ni Papa.

Baby? Buntis si Mama? Sya ba ang tinutukoy ni Papa na kapatid ko?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Nagkamali ako ng iniisip. Akala ko..Akala ko talaga..

Hindi ko na mapigilan mapaluha. Seing my mom like this because of my wrong thoughts, i acted like bastard brats.

"Ma.," pukaw ko sa kanila.

Kaagad silang tumayo at niyakap ako ng makita ako.

"Lisana!" Tawag ni mama. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Lisana! Saan ka ba galing na bata ka! Pinagalala mo kami ng mama mo!" Sermon ni papa sa akin.

Napayuko ako. I deserve this. I deserve their angered. Ang tanga-tanga ko kase.

"Sorry po, Pa, Ma. I got a wrong thoughts" sabi ko sa kanila ng hindi bumibitaw ng yakap kay mama. "Akala ko po kase, may anak sa labas si Papa. Akala ko sya ang tinutukoy ni Papa na kapatid ko" Hindi ko na mapigilan ang luha ko.

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka!" Galit na turan ni Papa. "Bakit naman ako magkakaanak sa labas? Nababaliw ka na bang bata ka?!"

"Oo nga anak, bakit mo naman iniisip yun?" Sabi ni mama na hinahaplos ang ulo ko at pinapahid ang mga luha ko.

Galit na galit si Papa. Alam ko nagtitimpi sya sa akin ngayon. Hindi ko naman gustong pagisipan sya ng masama. Dahil natrauma lang talaga ako noon nag-away sila. Yun ang unang nakita ko silang nagaaway. Para sa batang five years old, natakot ako ng husto. I used to see mom and dad so sweet kaya nung magsigawan sila sa harap ko parang nayanig ang mundo ko.

"Sorry po. Natatakot lang po kase ako. Iniisip ko na dahil sa kanya, baka maghihiwalay na naman kayo. Ayoko pong mangyari yon" Umiiling na sabi ko at yumakap sa tummy ni mama. Nakaupo na siya sa sofa habang ako ay nakaluhod sa harap niya.

"Anak.." nalungkot na tinig ni Mama.

"Sorry po mama kung nagaalala kayo. Sorry kung umiyak kayo ng dahil sa akin. Natrauma lang ako noon ng maghiwalay kayo ni Papa kaya hindi ko magawang hindi mag-isip ng ganon." Sabi ko.

Naupo na rin si Papa sa tabi ni Mama. Lumambot ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Sorry, anak" sabi nito. "Hindi ko alam na sobra kang naapektuhan sa kasalanan ko noon. Pinagsisihan ko na yun at hindi ko nauulitin kaya hindi ka na dapat nagiisip pa ng ganun."

"Sorry po Papa. Hindi ko naman po kayo pinagiisipan ng masama, pero hindi po maalis sa isip ko. Palagi ko po yong napapanigipan. Nagaaway kayo at maghihiwalay. I'm sorry po Papa" hagulgol ko sa kanya.

"No. I'm sorry. It's my fault. Dahil sa kasalanan ko nahihirapan ka anak. I can't believe this. I've never thought you are taking hard time because of my past. I'm so sorry, baby. Hindi na mauulit yon. Promise. Don't think that again, okay? I will never do that for the second time of my life. I promise you that. Oh, God! Don't make her dream again" umiiyak na si Papa at niyakap ako. "Ang baby ko. Sorry. Sory"

"You should tell us kapag nahihirapan ka lalo na sa ganitong bagay. Lisana, anak. You have to trust us. Kung may problema ka, maliit man o malaki, kailangan mong sabihin sa amin. Hindi yung nagugulat na lang kami na may ganito ka palang dinadala." Sermon ni mama.

"I Wanna Hear You Say 'I DO'"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon