filipino

656 1 0
                                    

Iba’t Ibang Panahon ng Panitikang Pilipino

Sinaunang Panahon

May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito.Alibata ang kadalasang ginagamit.Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat.

Mga uri ng Panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:

AlamatKwentong BayanMga Awiting BayanEpiko
a. Bidasari - Moro
b. Biag ni Lam-ang - Iloko
c. Maragtas - Bisaya
d. Haraya - Bisaya
e. Lagda - Bisaya
f. Kumintang - Tagalog
g. Hari sa Bukid - Bisaya      5. Karunungan Bayan

          a. Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
             Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
          b. Sawikain - mga kasabihang walang natatagong kahulugan
             Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
          c. Bugtong - maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.
             Halimbawa: Isang tabo , laman ay pako. (langka)

Pananakop ng Mga Kastila:

Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:

1. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata
2. Naituro ang Doctrina Cristiana
3. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at Bisaya 
7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda

Mga Unang Aklat:

a. Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
b. Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose
c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja
d. Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia)
e. Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)

Mga Akdang Pangwika:

a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka

Mga Dulang Panlibangan

1. Tibag 7. duplo
2. Lagaylay 8. kurido
3. Sinakulo 9. saynete
4. Panubong 10. karagatan
5. Karilyo 11. sarswela
6. Moro-moro

Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)

Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan.Pagpasok ng diwang liberalismo.

Mga Propagandista:

a. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (“Noli at El Fili)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)

Panahon ng Amerikano

1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano
2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles
5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

Mga Pahayagan:

1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)

Mga Dulang Pinatigil:

1. Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto – Juan Abad
3. Walang Sugat – Severino Reyes

Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat:

1. Cecelio Apostol
2. Fernando Ma. Guerrero
3. Jesus Balmori
4. Manuel Bernabe Manalang
5. Claro M. Recto

Ilang kilalang manunulat sa Wikang Tagalog:

1. Lope K. Santos
2. Jose Corazon de Jesus
3. Florentino Collantes
4. Amado V. Hernadez
5. Valeriano Hernandez Pena
6. Inigo Ed Regalado

Panahon ng Hapon

1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan.
2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog.
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles.
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan.
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan.
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat.

Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon

1. Haiku
2. Tanaga
3. Karaniwang Anyo

Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon

a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula sa Puti --- Francisco Soc. Rodrigo
c. Bulaga - ni Clodualdo del Mundo
d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales

Ilang Mahusay na Maikling Kwento

a. Lupang Tinubuan - Narciso Reyes
b. Uhaw ang Tigang na Lupa - Liwayway Arceo
c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan - NVM Gonzales

Bagong Kalayaan (1945 - 1972)

Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas.Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng pamumuhay noon atbp.Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera.Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950.Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa.Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo.Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atbp.

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino:

Taliba ng Inang Wika (TANIW)Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:Philippine Writers AssociationDramatic PhilippinesPhilippine Educational Theater Association (PETA)Arena TheaterBarangay Writer’s Guild

Batas Militar 1972 – 1986

1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos.Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan.Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972.Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan.Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan).

Kasalukuyang Panahon

Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino.Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika.Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling bernakyular.Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat.Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham.Malayo na rin ang naaabot ng media.Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit.Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin.

                                                                          (Source: non stop teaching)

Para Sa Lisensya!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon