1. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang kahulugan nito?
a. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
b. Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
c. Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
d. Ang Pilipino ay madaling maipagbili2. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
b. Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.
3. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.
a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin4. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay
a. Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
b. Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
c. Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
d. Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino5. Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.
a. Sumasagi
b. Gumugulo
c. Bumubuhay
d. Sumasapi
6. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?
a. Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
b. Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
c. Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
d. Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa7. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?
a. Pokus sa direksyon
b. Pokus sa kagamitan
c. Pokus sa sanhi
d. Pokus sa aktor8. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay
a. Kuripot
b. Matipid
c. Maramot
d. Praktikal
9. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?
Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
a. Sanhi
b. Tagaganap
c. Kagamitan
d. Ganapan
10, Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.
a. Rose
b. Hindi
c. Nakabasag
d. Pinggan
11. Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag.
Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel.
a. Pagtutulad
BINABASA MO ANG
Para Sa Lisensya!
RandomIt's not my works! Not my works... not my works! Credited to its owner😊 God bless us 😊