Krizzle Lynn's POV
Bumaba na kami. Andun na silang lahat. Pumunta naman si Princess kina Justin, Tapos Lumapit saken si Drake.
"Ang sexy mo"
Sabi niya sabay kindat. Tinignan ko siya ng masama.
"Sapakin kita dyan eh"
Sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang.
"Ganyang ganyan din si Kim nung nakita siya ni Justin na naka swim suit dito noon"
Natatawang sabi ni Sana. I'm not calling them ate or kuya. Same age lang kasi ata kami si Kuya ko lang talaga yung tinatawag Kong Kuya.
"Tss. New Love Team! DraLynn"
Sabi ni Tzuyu tapos nag apir sila ni Chae
DraLynn?
(Pronounced as Dreylin)
"Tigilan niyo nga yung kapatid ko. Bata pa yan"
Sabi ni Kuya. Napailing lang ako.
"Anong bata? Aalagaan ko naman siya" sabi ni Drake. I rolled my eyes nung tumingin siya saken.
"Yun oh" sabi ni Justin na tumatawa pa tapos nag apir sila ni Drake. Sapakin ko kaya sila? Tss.
"Nako, Flinn. Wala ka kasing GF kaya ganyan ka"
Biro ni Princess kaya tumawa kami. Di na sumagot si kuya at napailing na lamang. Kami, pumunta sa Swimming pool side. Dun kami maliligo.
"Lynn. Can you swim?"
Out of nowhere na tanong ni Drake. Napatingin kaming lahat sa kaya.
"I dunno? Hindi siguro."
"Lol. Even dogs can" sabi niya. Aba't! Inaasar ba ako nito?!
"No wonder, you look like a dog"
Sabi ko. Napa ooh lang yung mga kasama ko. I smirked. Nang uuna kasi. Tss.
"Sa gwapo kong 'to? Aso?"
Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang taas ng confidence mo, ano?"
Natatawang sagot ko. Feelingero kasi.
"Totoo naman eh"
Sasagot pa sana ako nang nagsalita si Christian
"Tama na. Baka mahulog kayo sa isa't isa"
Sabi niya. My eyes widened.
"Yak"
Yun yung nasabi ko.
"Yak ka pa dyan"
Sabi ni Chae at Uminom ng Juice.
"Hiyang hiya naman tayo. Ganyan kayo noon eh"
Sabi ni Princess na nagpatawa kina Sana at iba pang kasama. Ansaya siguro nila noon, noh?
Eh ako?
I'm just a Bad girl na Walang pake sa paligid.
Kaya nacurious ako kung gaano sila kasaya noon.
Alam mo yung feeling na, pag gising mo sa umaga, wala kang alam sa paligid. Yung di mo Alam kung ano yung nangyari sa nakaraan. Ang sakit sa ulo. Isip ka ng isip pero Wala ka ding maalala.
"Hoy Krizz"
Rinig Kong sabi ni Drake. Tinignan ko siya tapos nakatingin pala saakin yung iba Kong kasama.
YOU ARE READING
The Long Lost Gangster Princess [On-Going]
Teen FictionA story Related to "Sapphire Academy" Another story by: KimJisooye09 E N J O Y