"game set and matched, 5~1, Marrione wins" sigaw ng umpire kasabay ng hiyawan ng mga manunuod sa parke.
"Ibang klase, ang galing" tulalang sabi ng isang manunuod.
"thank you, thank..." napatigil ang pagwave sa mga manunuod ng makita niya ang isang lalaki sa malayuan na nakasuot ng itim na suit at itim na shades.
"later fans" sabi niya sabay takbo sa parte kung saan marami ang tao.
"ayun habulin siya" tawag naman ng lalaking naka itim sa mga kasamahan ng makita si Marrione.
............&@^()***#............
"Ilang beses ko na bang sasabihin sayo Marrione at ng tumanda ka sa mga kalokohan mo?" litanya ng papa ni marrione na nakaupo sa swivel chair nito at seryosong nakatingin sa dalaga na nakatayo sa kabilang lamesa na pumapagitna sa kanilang dalawa.
"pero papa, wala namang nangyaring masama sa akin eh. Kung pinagbigyan niyo lang ako na pumunta sa parke eh di sana hindi ako tumatakas" sagot ni Marrione na pinagtaasan lamang ng kilay ng kanyang ama.
"Marrione, alam mo namang masyadong magulo ngayon sa palasyo at mukhang critical ang lagay ng hari dahil sa nangyari noong pumunta siya sa ibang bansa. Kaya naman ayoko lang na may mangyari din sayo tulad ng nangyari sa hari" mahinang sabi ng ama ni Marrione.
Ang pamilya niya ay nag mula sa angkan ng mga Marble na kilala bilang Earl sa palasyo simula pa nung unang henerasyon ng royal family. Ang kanyang ama na si Faust James Marble ang kasalukuyang head ng pamilya. Wala na ang kanilang nanay dahil sa isang aksidente nung pinagbubuntis pa lamang siya noon sa kanilang dalawa siya lamang ang nakaligtas. Meron mas nakakatandang kapatid na lalaki si Marrione, si Uriel Hans Marble.
Nakatingin pa rin si Marrione sa kanyang ama na tila walang pakialam sa sinabi nito.
"Kung ganoon wala ka pa ring balak na sundin ang utos ko?" tanong ng kanyang papa na ikina- sang ayon ni Marrione at pagbuntong hininga ng ama.
"Hindi pa din kita pinapayagan..."
"papa!" tutol ni marrione
"buo na ang desisyon ko, anak pasyensya na pero para na rin sa kapakanan mo 'to" mahinahon na pagpapaliwanag ng ama kay marrione na nakasimangot ang mukha.
sorry pero tutol din ako sa desisyon niyo, papa. Sagot sa isip ni marrione.
Pagsapit ng bukang liwayway sa tahanan ng pamilya ng Earl Marble. Dahan dahan bumangon si Marrione sa kama at kinuha ang tennis bag niya sa ilalim ng kama at tahimik, maingat at alertong umeskapo sa kanilang mansion at tumakbo papunta ng parke.
Sorry talaga papa pero semi finals na to ng competition at kailangan kong matalo ang mayabang na yun... paumanhin ni marrione sa kanyang isip.
Medyo malayo ang parke sa kanilang mansion at kailangang sumakay ng bus papunta. Kaya naman laking pasasalamat niya ng makaabot siya sa kanyang laban.
"Ikaw pala ang kalaban ko ngayon. Masyado ka namang payat at maliit baka tumilapon ka pag tumira na ako" pangungutya ng kalaban ni Marrione.
"Pasensya ka na pero itong patpatin at bansot na ito ang magpapataob sa baboy mong mukha, try mo din mag- diet minsan nakakahiya naman kasi sa damit mong mukhang masisira na sa sobrang katabaan mo" ganting sagot ni Marrione sabay ngisi.
"anong sabi mo?" pikon na sabi ng kalaban.
"sabi ko baboy ka" sagot ni marrione ng nakatalikod at naglakad na papunta sa pwesto niya.
"makikita mo bubwit ka" inis na bulong ng kalaban.
"Durin Puri, to serve!" tawag ng umpire at nag serve na ang kalaban.
BINABASA MO ANG
MISmatched!!!
Historia CortaMarrione Elizabeth Rose Marble anak ng isang earl sa britanya at isang tennis maniac. She plays tennis ever since she first heard the word. In her 5th birthday her parents build her a tennis court in their courtyard. When she turn 12 she always snea...