Ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto si Marrione. Parang bumaliktad ang mundo ni Marrione pagkatapos i-anunsyo ng kanyang ama ang kanyang engagement kay Adrian wait slash that- kay Crowned prince Lance Adrian Gilbert Wallace!!
Ilang araw na din siyang hindi makatulog at pagulong- gulong lang sa kama pinapadalhan lang siya ni Paula ng pagkain tuwing oras ng kainan.
Knock... knock...
Hindi na nag-atubiling sagutin ni Marrione ang kumatok dahil wala pa rin siyang balak makipag-usap kahit kanino.
"You look like a mess princess" napalikwas si Marrione sa baritonong boses.
"Leave me alone!" Tanging saad niya at nagtalukbong sa kumot.
"Nope, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo inaayos ang sarili mo. Ilang araw ka nang nagkukulong sa kwarto mo kahit na si papa hindi ka mapalabas sa lungga mo," litanya ng kanyang kapatid.
"Whatever, kuya. Just don't mind me I'm in the middle of sulking and throwing tantrums, okey!" Sagot niya.
"Whatever din sis, do you want cakes and ice cream? Your favorite shop," tanong nito.
Tila nagningning at pumalakpak ang mga mata at tainga niya sa narinig at dali-daling bumangon at nag- ayos sa sarili.
?/=!:-)$$_();""_&%€^»{]¥{~£]°|®']>>\
"So, are you openly and willingly share why you are sulking and throwing tantrums?" Tanong ni Uriel sa kapatid habang kumakain ng chocolate parfait.
"No," simpleng sagot ni Marrione at hindi matinag sa pagsubo sa kanyang strawberry parfait at red velvet cake.
"I know its a lot to take, princess, but atleast give the prince a chance he had been through hell"
"yung totoo, sino ba talaga kapatid mo kuya? Ako o siya? " inis na sabi ni Marrione.
"Syempre ikaw, hindi naman maipagkakaila yun di ba. Sa angas pa lang ng ugali mo--"
"may pinupunto ka bang hindi ko gusto? "
Napailing na lamang si Uriel. Mahirap kausap si Marrione kapag ganitong nagtatantrums siya. Minsan nagsisi sila ng kanyang ama kung bakit masyado nila itong inispoil nung maliit pa. Sa edad nitong 25 parang bata pa rin kung mag-isip at masyadong mataray sa ibang tao kaya walang makalapit dito kahit na hindi nila bantayan ay wala talagang lalaki na naglakas loob na lumapit sa takot sa kapatid.
"Marrione, hindi mo pa ba naiisip na tumatanda ka? You keep on playing like a five year old." out of the blue na tanong niya. Napansin naman niyang natigil sa pagsubo si Marrione at tinitigan siya.
"I didn't thought you'll say that, kuya" mahinang saad ni Marrione at tumayo mula sa kinauupuan nito at mabilis na lumabas ng Coffee shop.
"shit, its not what I meant" marahas na napa sabunot na lamang siya bago nag-iwan ng bayad at sinundan ang kapatid.
Hindi alam ni Marrione kung bakit pero nasaktan siya sa sinabi ng kapatid. Oo, inaamin niya wala siyang naitulong sa company ng pamilya nila o dumalo sa mga kasiyahan ng mga royalty bilang representative ng pamilya dahil hindi niya kaya makipagplastikan sa mga naroon. She was busy chasing her dreams, she was busy hoping to have her promised match ten years ago. Para siyang may sariling mundo, a world that only revolves in the four corners of a tennis court. She was happy but not contented. Alam niya may kulang sa buhay niya, alam niya she's being selfish sa pamilya niya. Pero wala eh, she wanted to stay in her own little world her own safe haven. She doesn't need to know anything nor involve herself to something grand and being the Prince's fiancee is something she doesn't want. Heck! It didn't even occur in her mind, ni hindi nga niya alam kung ano ang hitsura ng royal family o kung ano man ang nangyayari sa bansa nila.
At isa pa ang Adrian na yun. Isa pang pasakit sa ulo niya. Pagkatapos ng party ay hindi man lang nagpakita muli sa kanya! Not that she cared, pero feeling niya nagmumukha na naman siyang tanga. Ano ba gusto ng lalaking yun? Habulin niya?!
Sa sobrang inis niya hindi niya napigilang sipain ng pagkalakas-lakas ang lata ng softdrink na nasa harapan niya.
"buwisit talaga ang mga lalaki!" inis na sigaw niya.
TONK!
Napangiwi na lamang siya ng may tamaan ang latang sinipa niya. dali dali niyang nilapitan ang tinamaan niya. Isang lalaki na nakasuot ng all black may itim na face mask din ito kaya natatakpan ang mukha.
Hindi kaya criminal ang isang to?
Yun ang naisip niya.
Sino ba naman ang bigla na lamang susulpot at naka-all black tapos may takip pa ang mukha baka akyat bahay ito or worst serial killer!!
Mukhang wala itong malay dahil hindi naman ito gumagalaw. Napalunok siya bago dahan dahang iniabot ang face mask nito para tanggalin. Pero bago pa niya mahawakan ay nahuli na nito ang kanyang kamay. Nagmulat ito ng mga mata hindi niya alam kung bakit pero parang namamagnet siya sa mga mata nito.
Parang pamilyar ang mga mata na yan. Saan ko nga ba nakita yan?
Pero bago pa man siya makasalita ay mabilis itong nawala sa paningin niya at humalo sa ibang tao.
"MARRIONE!!"
Agad na napalingon si Marrione ng marinig na may tumawag sa kanya.
"Kuya Uriel?"
"B-buti na abutan k-kita, t-teka lang h-hahabulin ko lang ang h-hininga ko" hinihingal na saad nito.
Hinabol siya ng Kuya niya? Hay, kahit talaga may pagka-bully ang kapatid niya ito pa rin ang pinaka-sweet na kuya niya.
"pinag-alala mo ako, I'm sorry hindi yun ang ibig kong sabihin, I just want you to be happy Marrione, ikaw ang prinsesa ng pamilya natin at we saw how devastated you are before di lang namin gusto na maulit yun" sabi ng kuya niya habang yakap siya.
"I'm sorry din kuya at pinag-alala ko kayo ni papa all this time, I'll try to be happy ay hindi pala magiging masaya ako for sure" nakangiting sambit niya.
"ah!! Ang cute na prinsesa namin!" gigil na saad ni Uriel at lalo pang niyakap si Marrione.
"ku-kuya, di na ako makahinga!!" pilit na lumalayo na sabi ni Marrione.
Author's note:
Pasensya na po, alam ko ilang taon din itong nakahold. Sa totoo lang medyo lumayo na ang story ko sa original pero short story lang kasi yun. Mas naka- elaborate na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
MISmatched!!!
Short StoryMarrione Elizabeth Rose Marble anak ng isang earl sa britanya at isang tennis maniac. She plays tennis ever since she first heard the word. In her 5th birthday her parents build her a tennis court in their courtyard. When she turn 12 she always snea...