Years past pagkatapos ng magulong araw na iyon. Naaksidente si Marrione at walang Adrian na nagpakita.
Dahil sa aksidente dalawang taong hindi nakapaglaro si Marrione. Kinailangan niya mag rehabilitation upang makalakad muli ngunit hindi siya nawalan ng pag- asa na muling makakapaglaro. Araw- araw siyang pumupunta sa parke nagbabakasakaling makita si Adrian tuwing tapos ng kanyang rehab.
lumipas ang panahon at muling gumaling ang mga paa ni Marrione nagbalik siya sa court at taon taong sumali sa street tennis competition naghihintay lagi na muling makita at makalaban si Adrian. Hindi na siya muling pinigilan ng kanyang ama at sinuportahan ang kanyang bawat laro.
walong taon pa uli ang lumipas at lumaking propessional si Marrione sa parangan ng tennis naka- sali siya sa us open at naiuwi ang tropeyo.
Sa lahat ng kanyang nakamit ay hindi pa rin siya kuntento dahil sa isang pangakong laro na hindi natupad sa kanyang sarili hindi niya maisip na magaling na siyang manlalaro hangga't hindi pa rin niya natatalo si Adrian na nawala ng parang bula.
March 09.... Kaarawan ni Marrione.
Naghanda ang kanyang ama ng isang enggrandeng kasiyahan para sa kanya at doon makikilala ni Marrione ang kanyang fiance na hindi pa niya nakikita kahit kailan.
"waaahh! ang ganda- ganda mo ngayon lady Marrione" puri sa kanya ni Paula.
"Ngayon lang? kung sabagay ngayon lang naman ako nagsuot ng ganitong damit at alahas" sabi ni Marrione na agad na ikina- iling ni paula.
"nagkakamali kayo matagal na kayong maganda noh. Kayo kaya ang pinaka- magandang babaeng manlalaro ang nakita ko puro lalaki ang inyong mga tagahanga at kinaiinggitan naman kayo ng mga dalaga" sabi ni Paula.
"inuuto mo lang ako ehh"
sasagot pa sana si paula ngunit pumasok na si wilfred upang sabihing nagsimula na ang kasiyahan.
sa harap ng pintuan ng kanilang ballroom ay naghihintay ang kapatid niyang si Uriel. Ang kanyang ama ang magpapakilala sa kanya.
pagbukas ng pinto ay pumasok na si Marrione kasama ang kanyang kapatid. Rinig ang palakpakan ng mga taong hindi niya kakilala sa tingin niya ay may mga ranggo ito sa palasyo at mayayamang negosyanteng kasosyo ng kanilang pamilya.
Pagkarating niya sa sa gitna ay nagsimulang tumugtog ang orchestra at isinayaw siya ng kanyamg kapatid.
Hindi magaling na mananayaw si Marrione at alam iyon ng lahat na nakatira sa mansyon lalo na si Mrs. Honkist na siyang guro niya sa pagsayaw. Kaya naman kanina pa niya naapakan ang paa ng kanyang kapatid ngunit sa galing nitong magtago ng emosyon at sa haba ng kanyang gown ay walang nakakapansin.
"sorry... sorry" hingi niya ng tawad sa kuya niya habang nakayuko.
"ano ka ba Marrione kaarawan mo to ayos lang na maapakan mo ako. Wag kang magmukmuk diyan. Alam kong hinahanap mo pa din yang misteryoso mong karibal at alam kong tumatanda ka na wala pa ring lumalapit na lalaki sayo dahil sa sama ng tingin mo sa kanila pero ayos lang yun...." patuloy na pagsasalita ng kuya niya habang nakangisi.
(~.~*)
Nasabi ko na ba sa inyo na malakas mang- asar ang kuya Uriel niya?? Oo ganyan niya ipinapakita sa kapatid ang pagmamahal niya.
Sa inis niya ay sinadya niyang tapakan ang paa ng kapatid na siyang nagpatahimik dito kasunod ng pagtatapos ng musika.
Iika- ikang naglakad si Uriel habang deretso naman sa veranda si Marrione upang magpahangin at magpalanig ng ulo sa inis niya sa kapatid.
tahimik lang siya na nakatingin sa kawalan ng kalangitan.
Aaarrrggghhh... nakakainis talaga kahit kailan. Bakit andami pa rin niyang nalilinlang na mga babae?? aarrggg asar talaga siya!!! Mga lalaki!!!
BINABASA MO ANG
MISmatched!!!
Short StoryMarrione Elizabeth Rose Marble anak ng isang earl sa britanya at isang tennis maniac. She plays tennis ever since she first heard the word. In her 5th birthday her parents build her a tennis court in their courtyard. When she turn 12 she always snea...