Lea and Aga have been the best of friends since high school. Super close sila to the point na sa iisang bahay sila nakatira. He calls her babe, she calls him babes. Ang sweet diba? But sabi ko nga, they're just friends.
" morning babe! " malakas na sigaw ni Aga sa may pinto " gumising ka na dyan! "
Napadilat ako at tumingin sa alarm clock sa tabi ko.
" lumayas ka nga dyan! Maaga pa! " nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod
Nawala yung ingay sa pinto ng kwarto ko. Akala ko umalis na siya, pero naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko.
" Lea... " mahinang bulong ni Aga sa kanya " babe? Gising na... "
Tumalikod siya rito " ugh! Wala ka bang ibang kukulitin? I wanna sleep, please? "
" I wanna have breakfast with you, babe... " bulong niya sa mismong tenga ko " I missed you... "
Damn. Sino ba namang makakatanggi dito? I love him too much. Yes, I love my bestfriend. He's just too dense to notice it. I smiled at inalis yung kumot ko.
" morning sweetie! " nakangiting sabi niya bago ako niyakap " miss na miss na kita, sabi na eh, di mo ko matiis, babalik ka din. "
Hindi ko siya sinagot and just hugged him back. I was too busy last week kaya di ako nakauwi sa bahay namin. Lagi akong nasa condo ko.
" breakfast babe? " tanong niya bago ako tulungang tumayo " I have pancakes and smoothies for you downstairs... "
Tumunog yung tiyan ko sa gutom. Tinawanan niya ko. " thanks babes, sobrang effort mo naman ngayon... susunod na lang ako "
Naglakad na siya palabas ng kwarto ko. " anything for that smile, babe " then he winked
Pumasok na ko sa banyo. I could feel my fast heartbeat. Bakit ganun? Kung sino pa yung taong mahal mo, siya pa yung di pwedeng maging sayo? Life is unfair. Huminga ko ng malalim bago bumaba, hanggang kelan kaya ako matatakot sabihin sa kanya? I'd rather keep him as my bestfriend, than lose him as my boyfriend.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
" anything for that smile, babe. "
Masaya akong nag aayos ng breakfast para samin ni Lea. Ayoko sanang mang istorbo kanina, but I want to have breakfast with her. I missed her so much, as if she'd been gone for 2 years.
" hey... " sabi niya habang nakangiting bumababa ng hagdan " masarap ba yan? " niyakap niya ko and kissed my cheek bago umupo
Tinitigan ko lang siya. Napansin niya yun kaya tinitigan din niya ako.
" may problema ka ba? " nag aalalang tanong niya
" wala naman... Ang weird mo lang babe! "
" weird? " sabi niya habang sumusubo ng pancake " ang sarap nito Ags, sobrang namiss ko luto mo! "
Ngumiti ako " are you inlove with me babe? "
Parang nabigla siya sa sinabi ko. Napainom siya ng smoothie. Tapos sumama yung tingin niya sakin. Then binato ako ng tinapay.
" ********ka! Kakabalik ko lang nambwi bwisit ka na naman! "
Kinindatan ko siya " Don't worry babe, hindi naman kita babastedin! "
Natawa siya sa kalokohan ko. Binato niya muna ako ng irap bago kumain ulit.