The Secret of The Broadway Diva

1.5K 43 5
                                    

Lahat tayo may tinatagong sikreto.

At walang sikretong hindi nabubunyag.

Hanggang saan mo itatago ang isang sikreto?

Kung alam mo na pag maraming nakaalam, maaari kang masira.

Ready ka na bang malaman ang sikreto ng broadway diva?

-----------------------------------------------------------------------

Kapapasok niya lang ng pinto ng sumalubong sa kanya ang isang kahindik hindik na boses ng isang nilalang na halos isumpa niya na. Kunwari na lang na wala siyang narinig at dumiretso ng akyat sa hagdan. Susunod din naman yung mokong na yun mamaya pag naamoy na nandun na siya sa kwarto nila.

" Lea? Andito ka na pala? Bat di mo man lang ako pinuntahan sa kusina? " tanong nito habang kumakatok

Anong hindi pinuntahan? Eh halos masira na nga yung eardrums niya sa pagpi-feeling singer ng lalaking yun eh! 

" Lea... naririnig mo ba ako? Pwede ba kong pumasok? " muling tanong nito

Nagbibihis pa kasi siya kaya hindi siya nagsasayang ng pagod na kausapin ito. Magsasawa din naman yan kakakatok at aantayin na lang siya sa baba.

Hindi muna siya nagbihis at nag-robe na lang tapos nakinig siya ng music sa i-phone niya. Sobrang pagod at hirap ng tapings niya. Nakakaalog ng utak. She decided to sleep kahit sandali lang. 

Sa kusina naman ay busy pa rin sa pagluluto si Aga. He wants Lea to wake up due to the aroma of his cooking. Alam niyang pagod na pagod ang asawa niya.

Gulat kayo no? OO. Asawa ko si Ms. Maria Lea Carmen Imutan Salonga (Muhlach). Hindi niyo alam? Well, I'm not surprised. Maraming hindi nakakaalam. Pakiramdam ko nga ako at mga magulang niya lang ang nakakaalam eh. Ayaw naman kasi talaga kong pakasalan ni Lea, kung hindi lang dahil sa nakita kami ng parents niya na magkatabing natutulog, edi sana single pa ako ngayon. Pero kahit halos ibaon na ko nyan sa lupa, ewan ko ba, natutunan kong mahalin ang isang tulad niya. 

Maganda siya sobra. Maldita nga lang at suplada minsan, pero nung naging magkaibigan naman kami, sobrang komportable lang namin sa isa't isa. At ngayon ngang kasal na kami, hoping pa rin ako na mahalin niya ko. kahit pa-sikreto lang. I AM THE SECRET OF THE BROADWAY DIVA. Ang asawang tinatago niya sa buong mundo. Mahirap na masakit, pero ok lang, basta may marriage certificate akong pinanghahawakan, kuntento na ko sa buhay ko.

Speaking of my beautiful wife, nakita ko siyang pababa ng hagdan habang nakasuot ng t-shirt ko. Ang ganda ganda niya talaga, ang sexy sexy pa. (A/N: langyuh! hanggang dito dad manyak ka pa rin? )

" Buti naman gising ka na Lei, kakatapos ko lang magluto! " nakangiting sabi niya habang hinahandaan ito ng pagkain " sure ka bang ok ka na? "

" oo naman, bakit ka nga pala nagluto? hindi mo naman birthday diba? " kunot noong tanong ng asawa niya

" uhhh, hindi, May 8 kasi ngayon, uhhh anniv- "

Hindi ko natuloy yung sinasabi ko dahil biglang tumunog yung cellphone ni Lea. Ngumiti lang siya pero hindi niya sinagot yung cellphone.

My One Shot Stories (LeAga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon