In The Name Of Love (LeAga Version)

1.6K 48 8
                                    


Ako si Agnes. Ako ang asawa. Ako ang pinakasalan. Ngunit bakit ako ang natatakot na maagawan?

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Sikat na ang araw ng magising si Agnes. Pumikit siya at dumilat ulit. The room isn't familiar to her. Just then, she remembered na nasa Paris siya.

" Samantha... Samantha please! " bulong ng asawa niyang si Jerry sa tabi niya

Sino si Samantha? Siya lang naman ang secretary cum kabit ng asawa niya. Pinilit niyang tumayo ngunit dahil nakayakap si Jerry sa kanya, walang epekto ang pagpupumiglas niya.

" Agnes... Ayoko na... Samantha! "

Nahiga na lang ulit siya at nagtakip ng kumot. After all, hanggang ngayong araw na to na lang naman ang pagtitiis niya. Hanggang ngayon na lang niya maririnig na tinatawag ni Jerry ang pangalan ni Samantha.

" Good morning Agnes! " maya maya'y sabi nito habang tinatanggal ang kumot niya. Na expose tuloy ang legs niya.

" Jerry naman eh! " reklamo niya habang pilit na inaagaw ang kumot niya

" Ang sexy naman ng asawa ko! Payakap nga! "

Niyakap siya nito ng mahigpit. Parang miss na miss siya nito.

" manyak ka talaga! pwede ba Jerry? "

Tinawanan lang siya nito pero hindi pa rin siya binitawan. She remembered moments like this from way before. Ganito naman talaga sila dati. Sweet, romantic, at nagmamahalan. Well, they were, bago pumasok sa eksena si Samantha.

" babes... " paglalambing nito           " nagugutom na ko... "

Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi nito. Alam naman ni Jerry na hindi siya marunong magluto.

" oh bakit Jerry? Paglulutuin mo   ko? " mataray na tanong niya

" sabi ko nga magluluto na ko eh! Sige po mahal kong reyna, bababa na po ang gwapo niyong hari! "

Binitawan na siya nito at last. Napangiti naman siya dahil nag iwan pa ito ng halik sa labi niya bago lumabas ng kwarto niya. She would have been happier if it was genuine.

Pagtapos niya maligo ay hindi muna agad siya nagbihis. Nag robe lang siya at lumabas na ng banyo. Ngunit nagulat siya ng makita niya ang galit na galit na si Jerry na hawak ang divorce papers.

" J-Jerry? "

" Agnes, ano to?! " pigil ang galit na tanong nito

Natakot siya ng makita ang tingin nito sa kanya. Isang beses lang niyang nakita itong ganong kagalit. Nung nagselos ito sa empleyado nilang lalaki.

" D-divorce papers? Ano bang problema mo? " matapang na tanong niya

" Bakit ka nagpagawa ng divorce papers?! Bakit kailangan pa nito, Agnes?! "

Napaiyak siya sa tanong nito. Ano ba si Jerry? Manhid para hindi maramdaman na alam niya na ang sikreto nito?

" Para saan ba ang divorce papers? Ayoko na Jerry! Tapusin na natin to! "

" Ano bang sinasabi mo?! Agnes naman, let's fix this. Sabihin mo sakin kung anong problema mo... " mahinahon na sabi nito

" tingin mo ba hindi ko alam?! Akala mo hindi ko alam na may relasyon kayo ni Samantha?! Ang tagal kong nag bulag bulagan Jerry! Pero hindi ko na kaya! Pirmahan mo na yan para maging malaya na kayo! "

My One Shot Stories (LeAga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon