Chapter 11.1: Protective Boyfriend

442 13 9
                                    

Chapter 11

Candice's POV

Natapos na yung game. Wala na rin tao dito sa covered court. Kami na lang nila Caitlin and Mommy ang nandito. Nakaupo kami ni mommy sa bench while si Caitlin nakatayo sa harap namin, palakad-lakad. Naiinip na siguro. Well, ako rin naman.

Hinihintay kasi namin sila kuya. Bumalik pa sa locker room para magshower. Pinagpawisan daw kasi sila. Kahit yung iba hindi naman naglaro, bangko lang! Tss, ang aarte! >__<

Una nang lumabas si Chris mula sa locker room pero nagtataka ako dahil walang sumusunod sa kanya. Akala ko tapos na silang lahat.

Tinignan ko ulit si Chris. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang katawan, kung paano siya lumakad. He's what every girl dreams of, EXCEPT ME! Ayoko... Ayokong mahulog... Masyadong masakit. <///3

"CJ!"

Palapit siya ng palapit sa amin hanggang umupo siya sa tabi ko.

"Oy CJ!"

Nakatingin lang ako sa harap ko and I don't know what I'm doing. Hindi ako makatingin sa kanya. Siguro dahil na rin sa mga iniisip ko.

"Huy! Candice!" binatukan ako ni Caitlin.

"Aray ko naman!" hinilot ko pa yung ulo ko.

"Ano ba kasing iniisip mo at hindi mo kami marinig?! Kanina ka pa namin tinatawag ni tita eh." See? Palagi na lang ako nag-s-space out! Haaay. T__T

"Wala naman. Bakit niyo ba ako tinatawag?"

"Ah... Kasi... Aalis na kami ni tita. Sige maiwan na namin kayo diyan!" tapos hinila na niya si mommy at biglang tumakbo.

"Oy! Teka lang! Saan kayo pupunta?!" sigaw ko kasi medyo malayo na sila sa amin.

"Aalis na kami. Bibigyan namin kayo ng time together. Hihihi." sabi ni mommy.

O.O

Ah sh*t! Awkward! >__<

"NO TITA! Pupunta tayo kala Kuya Kurt!" sabi ni Cait habang tumatakbo pa rin. Malayo kasi yung labasan mula dito sa kinauupuan namin.

"Ay oo anak! Pupuntahan lang namin yung kuya mo." Tss. Binawi pa. Mommy talaga!  =))))

"Puro lalaki doon Mi! Baka hindi pa sila tapos magshower." sabi ko.

"Edi uuwi na lang kami." - Caitlin

"WAIT! Sasabay na ako sa inyo!" Tumayo na ako at aalis na sana kaso biglang hinawakan ni Chris yung kamay ko.

Pagtingin ko, nakalabas na sila mommy.

I faced him, nakatingin din siya sa akin so I smiled awkwardly.

Hindi ko alam kung bakit ako naiilang. Hindi naman ako ganito dati kapag kasama ko siya.

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya at umupo na ulit sa tabi niya pero hindi na malapit katulad ng kanina.

"Naiilang ka ba sa akin?" nagulat ako sa tanong niya.

"H-Ha? H-Hindi ah!" Aish! Halatang defensive! >__<

"Tara na" tumayo siya at hinawakan na naman yung kamay ko. Kunwari pa to. Gusto lang makachansing!

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang hinihila niya pa rin ako.

"Iuuwi na kita." seryoso niyang sinabi ng hindi humaharap sa akin kaya naman...

"ANO?!" ganyan ang naging reaksyon ko. Eh sa nagulat ako eh!

His SWEET LIES or the BITTER TRUTH? (SLBT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon