One Shot#5
Dear Seloso kong Boyfriend
20months na kami ng boyfriend ko. Madalas kaming nag aaway, kesyo ganito ganyan. Ewan ko kung dahil ba sa magkaiba kami ng ugali. Pero wala pang kame lagi na kaming nag aaway, hindi lilipas ang isang linggo na hindi kami nag-aaway. Magkasama man o hindi, nag-aaway pa din kami. Tulad nalang nung 1st Monthsary namin.
***
Magkatext kaming dalawa ni Nicole, ang boyfriend ko. Hep, hindi sya babae. Lalaki sya, yung pangalan nya lang yung pambabae.
From:Nicole❤
Binuksan ko facebook mo. Sino yung kachat mong lalaki doon?!Napabalikwas ako ng bangon sa aking nabasa.
"Luh!" agad ka syang nireplyan.
To: Nicole❤
Bakit mo binuksan?! Hindi mo manlang sakin sinabi!From: Nicole❤
Ohh? Ikaw pa tong galit ngayon?! Kim naman!To: Nicole❤
Niks naman! Privacy naman!From: Nicole❤
Boyfriend mo ko, dapat lang na alam ko kung sino yung mga nagchachat sayo!To:Nicole❤
Edi sana naman sinabi mo manlang sakin! Napaka pakelamero mo!Sa sobrang inis ko hindi nako nagtext sa kanya.
From:Nicole❤
Kim, babe sorry na. Hindi na mauulit.
-
Babe?
-
Shit! Babe naman. Magreply kana ohh.Hindi ko nirereplyan ang mga text nya, maya maya lang ay tumawag sya.
*Nicole's Calling...*
Hindi ako nakatiis at sinagot ko ang tawag.
"Ohh? Kailangan mo?" bungad ko sa kaniya.
"Babe, sorry na." narinig ko ang lungkot sa kanyang boses.
"Galit ka sakin diba?" pagsusungit ko.
"Ikaw pa nga tong mas galit ihh. Babe, sorry na. I miss you."
"Miss agad? Kahapon lang magkasama tayo ahh!" mataray kong sabi kahit natatawa na ako.
"Sorry na babe. Nagseselos lang naman talaga ako ihh. Sorry na, mahal lang namankita kaya ako ganito ihh." nakarinig ako ng hikbi sa kanya. Nalungkot ako sa narinig ko.
"Mahal din naman kita ihh. Sorry na po, matagal na naman yun ihh. Ex ko na yun. Gusto mo idelete mo na lahat ng message sakin, iwan mo lang yung atin. Sorry na po. I love you."
***
Madalas sya yung nagseselos, maski sa mga KPOP crush ko, pinagseselosan din nya. Pero meron din na ako yung nagselos.
Kasalanan ko bang magselos sa past nya? Hindi naman diba? Wala naman talaga kong pakealam sa ex nya ihh. Ang kaso lang talaga, dadating ka sa puntong maiinsecure ka. Natural lang naman yun sa babae diba? Hayst, hindi mo naman kasi maiiwasan yun ihh lalo na pag nalaman mong magkaklase sila nung ex nya. Sad diba?
Lunch time, nasa Filipino garden kami, kasama ko yung mga kaklase ko. Nag uusap kami para sa gagawin namin sa feistival sa sayaw ng section namin.
Sila ang kasama ko kase absent si Nicole.
Masaya kaming nagkukwentuhan, pero may isang babae na kanina pa pabalik balik sa likuran ko. Kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.
"Lia, parang na mumukaan ko yung babaeng kanina pa punta ng punta sa likod ko." bulong ko sa katabi ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Story Collection
AcakIn this Collection, you can encounter different story. Mga nakakarelate na pangyayare at nakakakilig. Kaya ano pang hinihintay mo? Basahin mo na to. I'm sure you'll love it.😊😊