Chapter 37

512 12 5
                                    

Mabilis lumipas ang panahon. I enrolled and studied hard, una nakakapanibago pero along the way nakayanan nadin.

Inalis ko sa isip ko ang pag aalala kay Matteo. Minsan nakikita ko na kasama nya ang babae sa mga pictures pero tulad ng sabi nya hindi ako dapat mag-alala. Para saan? I need to atleast trust him. This is how a relationship works. I need to be mature enough and think straight.

"BELLAAA..." nilingon ko si Anna na tinawag ako habang dala dala ko ang maleta ko. Sembreak na. Ngayon ang lipad ng eroplano ko papuntang Incheon South Korea, naroon na ang din ang susundo sa akin. "...Pasalubong ko ah?"

Ngitian ko sya at saka kumaway para sa pagpapaalam.

Higit isang oras din akong nakaupo sa eroplano at pinagmamasdan ang mga ulap. Unti-unti ay ngumingiti. Hindi alam ni Matteo na darating ako, susurpresahin ko sya.

Nang makalapag ang eroplano ay sinalibong naman ako ng isang driver na may karatula pa na nakasulat ang aking pangalan nang napalaki. Napa-iling na lamang ako at sumama rito.

Hindi ako dadaretso sa bahay namin, may pasok si Matteo ngayon kaya sa University nila ako pupunta na di kalayuan sa tinitirhan namin sa Seoul.

Nang makarating ay nakita ko sya agad na papalapit sa gate ng kanilang eskwelahan, nilingon ko ang driver at sinabing hintayin ako

Nang makalabas ay naghintay ako sa gilid ng gate. Nakasandal ang aking likod sa pader habang hinihintay sya. Sinilip ko sya at nakitang nakikipag usap sa mga kasama nya, ang babaeng singkit na iyon ay katabi nya. Napasimangot tuloy ako.

"Tss.." nilabas ko ang cellphone ko at kunwari nag-titipa kahit na nagtatago lang ako. Saka ko sya gugulatin ngunit ng pag-angat ko ng mukha ko ay may isang lalaking ngiting ngiti sa akin. Bigla syang nagsalita sa kanilang lengwahe na aking di naintindihan. Kumunot ang noo ko, "I am sorry, I cant understand you... I am not a korean." sabi ko na nagbabakasakaling maintindihan nya ako.

"Oh, I thought you were. I am not a korean too, I am a chinese who study here, what I am saying is, can I have your num--"

"Dude!" Tinignan ko ang tumawag sa kanya mula sa likod nya, "Stop it, you might scare her-- BATA?!" biglang nanlaki ang mata nya nang makita ako. Hindi ganitong tagpo ang gusto kong mangyari.

Nginitian ko sya at kumaway ng kaonti. "Dude, I was just asking for her number--" sinamaan naman sya ng tingin ni Matteo, ang mata ko ay pumunta sa hawak nya. "Dude, back off."

He is holding a bag, not an ordinary bag but a girl's bag. Nakita ko din ang isang kamay na nakahawak sa laylayan ng t-shirt nya. Sinundan ko ang kamay at nakita ko ang babaeng hindi ko gustong makita, ang ngiti ko ay nag-laho. Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko na chinitong gwapo. "Hmn.. how about my Line Account instead?" sabi ko at abot sa cellphone nya at lagay ng username ko na biglang hablot naman ni Matteo at bura.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Dude! What are you doing! I am trying to find myself a girl!" maktol naman ni chinito. Lumapit yung panget na koryana na feeling ewan! Hay... Maganda kase. Hmpft.

"Lee. Stop it." suway nya sa chinito.
"Minah, You cant stop me. I cant always be a third wheel to you and Ruper--"
"STOP! Lee. Please."

Napangiwi ako. "Third wheel." Ulit ko saka tumingin sa koryanang si Minah. "Really..." saka baling kay Matteo. "I need to go. Excuse me." di ko na sila hinintay na magsalita at saka ako patakbong pumunta sa sasakyan namin. Narinig kong tinawag ako ni Matteo pero naiinis ako kaya di ko sya nilingon.

Third wheel.

Damn.

Nakauwi ako at sinalubong nang napakatahimik na bahay. Wala pa si Mommy dahil nasa trabaho iyon, daretso sa kwarto at pahinga ako. Ngunit wala pa mang 30mins ay tumayo ako at saka nagligo at nagbihis.

Ngayon ay naka-dress ako na kulay puti na sleeveless at nakalugay ang bagsak kong buhok.

Magpapahatid ako sa Hongdae at doon magpapalipas ng oras.

At ganoon nga ang nangyare. Nag-paiwan ako sa driver at sinabing uuwi ako mag-isa.

Naglalakad lakad ako, pumasok sa mga clothing stall at saka tumikim din ng kanilang street foods. Nang mapagod ay na-upo ako sa bench sa isang bus stop. Nagpapahinga.

Nang maalala ko nanaman ang narinig kanina ay di ko mapigilan ang mainis. "Wala palang namamagitan ah! Ulol mo Matteo!" bulong ko. Napasandal ako at napabuntong hininga. "Pwede naman kasing sabihin sa akin, magagalit ako, andun na yon pero... sana naman hindi lokohan." kinakausap ko ang sarili, walang pakialam sa makakarinig dahil di naman nila ako maiintidihan. Iisipan nila nag-alien language ako.

Dumami ang tao ngunit di ako  umalis. Kahit ilang bus na ang dumaan sa harap ko. "Nakakainis na kasi..." naramdaman ko ang isang patak ng tubig sa hita ko.

Nakayuko na pala ako at may luha na sa mata. "Bakit ba ganito ako. Nakakainis." pinunasan ko ang mata ko at saka tumayo saka naman biglang ihip ng hangin na syang muntik na nagpataas ng palda ko kung hindi lang dahil sa kamay na nagpalupot ng isang jacket sa aking bewang.

Tinignan ko ang kamay na iyon bago lumingon sa likod, ngunitndi ko nagawa dahil biglanh yakap ng taong iyon sa akin mula sa likod. "Sorry..." rinig kong bulong nya.

Sorry? Para saan, Matteo? Dahil... totoo?

Napangiwi nalang ako at kinalas ang mga kamay nya sa akin. Hinarap sya ng may ngiti.

Nakita ko ang takot sa mata nya, napa-nguso ako at pinitik ang noo nya. "Oh, nasaan na si Minah at Lee?" tanong ko ngunit tahimik sya at tila inaaral ako. "Third wheel? Kawawa naman si Lee, isama mo ako minsan ng may kasama naman si Lee." sarkastiko kong sinabi.

"Bella... hindi ganoon. Mali. Nagkakamali ka ng iniisip." sambit nya na di nagpatinag sa akin.

"Ano palang tama, Matteo? Bata man ako pero hindi ako sanggol na walang alam sa mundo. Maari mo akong lokohin pero sana... naman... inisip mo na masasaktan mo ako sa ginagwa mo. Ayos lang, tanggap ko na. Ngayon, sana naman nakipagjiwalay ka muna bago lumandi. Nakakainis na--" hinawakan nya ang kamay ko ngunit hinawi ko ito at saka nguniti. "Bella, hindi ganoon. Please, pakinggan mo muna ako--"

"Hindi. Natatakot ako na... pagbigyan kita kasi mahal kita. Natatakot akong baka sarili ko naman mapabayaan ko. Mahal mo sya? Okay. Makaka-move on din ako. Ikaw nga, diba?" sabi ko.

"Hindi kami. Okay? Bella..."

"Pwedeng... bukas nalang? Pagod na ako." sabi ko. Narinig ko ang oag dating ng bus na syang hudyat ko para umalis, "Please take the next bus." huling sabi ko bago sumakay sa bus.

Childish Plus Mature Equals Syntax Error: UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon