Prologue

83 11 1
                                    

Summer na, dalwang buwan na lang ay simula na ng pasukan ng mga estudyante..

Isang masikat na araw sa harap ng Electi Academy. Isang sikat na paaralan sa may bukid at wala gaano katabing imprastraktura. Tanging mga batang katangi-tangi at may kakaibang talento lamang ang nakakapasok.

Kung titingnan isa itong napakalaking paaralan, isa't kalahating kilometro ang layo ng dulo ng gate sa isa't isa. Kompleto ang paaralan ng mga kailangan ng estudyante. Meron din itong mga tirahan para sa kanila na may kasama ng pagkain kadaumaga, tanghali, at gabi. Kaya naman kaya ng mabuhay ng mga estudyante dito ng mag-isa. Talaga nga namang elite...

Sa harap ng paaralan ay nakatayo ang ating bida na si Cona. Tuwang tuwa at galak na galak dahil magsisimula ng ang entrance exam niya.

Yess!! Eto na ko, Hooooo!! Ang saya-saya ko...  Mas napapalapit na ko sa pangarap ko... Alam ko konti na lang maabot ko din yun... Tila ba ito ang sinasabi niya sa emosyon pa lamang na nakapinta sa mukha niya.

"At syempre ma, pa, para po ito sa inyo..Hinding hindi ko po kayo makakalimutan..Gagawin ko po lahat ng makakaya ko para sa inyo," mahina nitong sabi at tumingala sa mataas na gate ng paaralan.

Flash Back :)

10 years ago, ako'y anim na taong gulang pa lamang. Masaya kaming namumuhay ng aking ina kahit wala na si ama. Namatay kasi si ama sa aksidente habang nagtatrabaho sa construction site. Ngunit dahil ako'y bata pa lamang, hindi ko napansin ang paghihirap ni ina. Sinosolo nya lang pala lahat ng hirap naming dalwa dahil gusto nya maging masaya lang ako. May sakit pala si ina... matagal na. Natakot ako dahil si ina ay umubo ng dugo. Natakot ako kaya tumakbo ako para humingi ng tulong kay tita.

"Tita, tita!! Si nanay umuubo ng dugo. Tulungan nyo po kami!"

Sumigaw ako ng sumigaw noon pero wala akong napala. Pinagsaraduhan lamang ako ng pinto. Ano ba namang klaseng pamilya ang meron kami...?

Umuwi ako at nakita ko si nanay na nag-aabang sa gate at nakangiti sa aking pagbalik. "Ma, ma, ayus ka lang ba?" wika ko. Kahit hirap na hirap na sya ay sinabi nya pa rin na ayus lang sya. Naniwala ako sa mga salitang iyon dahil ako'y bata pa lamang noon.

Lumipas ang tatlong taon ay hindi na talaga kinaya ni ina. Habang nakaupo sa upuan umubo ng umobo si ina na may kasamang dugo. Nagulat ako ng makita ko si ina. Lalabas sana ako ng bahay upang humingi ng tulong ngunit ako'y pinigilan ako ni ina. 

"Anak, ako'y tabihan mo na lamang," sabi ni ina. Hindi ko alam ang gagawin ko, paiyak na ko kaya tinabihan ko na lamang siya. "Wala rin naman tutulong satin, sinubukan ko na sa tiya mo pero wala rin ako napala. Kaya ayus lang," dugtong niya. Hindi ako makapagsalita kasi naiyak na ko,  ngayon unti-unti ko nang naiintindihan ang hirap ni ina.

"Oh sya, anak... Alam ko namang di na rin magtatagal ang buhay ko... Matagal-tagal na rin kasi itong sakit ko..." wika ni ina at ngumiti.

"Basta anak, lagi mong tatandaan na kapag may tiyaga, may nilaga, ha..." pagkasabing-pakasabi niya ng mga katagang ito ay... Ayun, natigukan na si ina...

Natatawa ako na may kasamang lungkot. Nakakatawa kasi na ayun ang huling salita ni ina pero alam ko na para sa akin iyon kaya't hinding-hindi ko ito kakalimutan.

Napagdesisyonan ko na ayun na ang susundin ko sa aking buhay. magsisikap ako upang magkanilaga kagaya ng sabi ni ina.

Balik na ulit :)

Malinaw pa rin sa aking isipan ang mga nangyari pero ngayon pagtutuunan ko muna ng pansin kung pano ko makukuha ang nilagang tinutukoy ni ina. Sa ngayon eto ang naiisip ko, ang pumasok sa Electi Academy.

This is one small step for mom and one big leap for me....

At ayun na nga ang unang hakbang ko sa loob ng paaralan...

2K ESSAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon