Chapter 1: Entrance Exam

43 11 0
                                    

Eto na nga, naglakad na ang ating bida papasok sa loob ng paaralan.Nilakad nya ang isang pathway na kasing lawak ng kalsada at mga pitongputdaang metro ang layo mula sa gate hanggang sa entrence na mismong paaralan.Sa tabi ng pathway ay puro mga puno ang iyong matatanaw. May mga nakalagay ding ilang bench sa tabi neto at sa bandang kaliwa naman ng paaralan ay ang dorm ng lalaki at babae.

Nang nasa gitnang bahagi na ng daan ang ating bida na si Cona ay napatigil siya upang tingnan ang paaralan sa ganung distansya.Makikita sa mga mata nya ang mga bituin na kumikinang ng pagkaliwaliwanag.Manghang mangha sya sa paaralang ito.Ang ganda nga naman kasi.

Tumingin sya sa kaliwa at ayun ang dorm ng paaralan.Muli siyang namangha sa nakita.Tuwang tuwa sya kapag naiisip nyang dito na sya papasok.

Pagtingin naman nya sa kaliwa ay nakita nya ang babaing natutulog sa bench sa ilalim ng puno..May mahabang itim na buhok ang babai na bagay na bagay sa kulay ng kanyang makinis na balat..

Nagtaka si Cona kung bakit may natutulog sa araw ng entrance exam.

"Teka, ka-age ko lang tong babaeng to ahh.Ano naman kayang natripan neto, ehh 15 minutes na lang entrance exam na.Gisingin ko na kaya sya.?" sabi niya sa loob ng kanyang isipan.

"Oy, gising na.May entrance exam pa diba?"ang sabi ni Cona pagkalapit sa babae.

Kalahating tulog pa ang babai ng sinagot niya ang lalaki."huh" sabi niya.Pagkatapos ay nagkusot siya na mata at muling natulog..

"Hmm?? May mga tao din palang ganto.Bahala na sya kung ayaw nya kumuha ng exam."ang laman ng nagtatakang isip ni Cona.

Nagpatuloy sa paglalakad ang ating bida patungo sa loob ng paaralan.May dalwang palapag ang paaralang at isang mahabang hallway.Sa kaliwa't kanan nito ay makikita mo ang ibat ibang silid aralan na may kanya kanyang numero.

At ayun na nga, pumasok na si Cona sa loob.

"Uhmm room number 3...number 3"...wika ni Cona habang hinahanap ang silid na pagkukuhanan niya ng pagsusulit.

"ahh eto..room no.3.."

Ayun na nga..ulit. Pumasok na sya sa loob ng silid na may nakasulat sa harap na no. 3. May tatlongput-limang upuan sa loob at isang blackboard sa unahan.

Umupo siya sa seat no. 24. Sa sobrang excited nya hindi na nya namalayan ang iba pa nyang katabi sa loob ng silid. Di nagtagal ay dumating na ang guro.

"Okay so hindi naman kayo makakapasa kaya hindi na ko magpapakilala..sagutan nyo na lang toh."mayabang na sabi ng guro.

Eto na nga naiabot na ang papel..

"okay, eto na..ipapasa ko talaga to kahit anong mangyari..Sa loob ba namang ng isang buwan kong pag-aaral para dito..tsak mapapasa ko toh..Sabi nga ni mama kapag may tiyaga may nilaga." ang wika ni Cona sa kanyang isip.

30 minutes later

Gulat na gulat si Cona dahil lahat ng tanong sa pagsusulit ay hindi niya naaral. "Talaga nga namang pagminamalas ka o.." ang sabi ni Cona sa sarili.

15 minutes na lang ay ipapasa na ang papel kaya hinulaan nya na lang ang numbers 1-9  dahil ito ay multiple choices lamang. At nang dumating na sya sa panghuling tanong na ang katumbas lamang ay isang puntos. Ang numero ika sampu. The essay part. Write an essay with 3 paragraphs only and with 5 sentences each..sabi sa papel..

"Eto na ba yun...Dito na ba maglalaho ang pangarap ko?.......Syempre di ako papayag, gagawin ko lahat ng makakaya ko.." sabi nya ulit sa sarili..

Pumasok sa isip nya ang magulang nya na natigukan at ang huling salita nito sa kanya.."Anak, kapag may tiyaga may nilaga, ugk"ayun...

Kumuha siya ng panibagong panulat at nagsimulang magsulat....sa saktong pagkatapos nya magsulat ay naubos na ang tinta ng kanyang panulat at saktong isang segundo na lang ay pasahan ng nag papel.

Eto na nga ang naisip nyang paraan sa loob ng labinglimang minuto..Ang malaalamat niyang 2000 words essay..

Matapos ang araw...

Habang tsinetsekan na ng mga guro ang pagsusulit. Ay napansin agad nila ang dalwang katangitanging mag-aaral. Si Aergia na may perfect score at si Cona na may perfect Zero.

Hindi lang yun. Sa pagbabasa nila sa mga sagot ni Cona ay tumutulo ang luha nila sa kanilang pisngi. Naawa kasi sila sa batang ito. Wala niisang koneksyon sa mga aralin ang sinulat ni Cona. Ang sinulat nya lang naman ay ang kanyang talambuhay na mala-mmk.

Sa awa ng mga guro ay nagdesisyon sila na ipasa na lang sya sa paaralan ng hindi alam ng punong guro.

Sa oras ng gabi ay makikinig mo ang malakas na sigaw ni Cona habang umiiyak sa kanyang tahanan..Ang pagkakaalam nya kasi ay hindi na sya makakapasok sa Electi Academy...

"One point lang siguro ang tama ko sa exam..ano ba yan!?!

"ahhhh!!!!..yung pangarap ko..ma, pa, sorry. Hindi ako makakapasok sa pangarap kong paaralan."

Sa lakas ng sigaw nya ay nagiba ang bubong ng kanyang tirahan.

*sira-sira na kasi yung bahay nya*

"KAPAG NGA NAMAN MINAMALAS KA O!!!"

2K ESSAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon