Tinignan ni Cona ang resulta ng mga nakapasa. Sa una ay hindi niya mahanap ang kanyabg pangalan ang nakita nya lang ay ang top score na 100% na si Aergia. Di nagtagal, pagtingin nya ng isang oras sa listahan ay nakita nya na rin ang pangalan nya na may nakasulat na Passed. Abot tenga ang ngiti ni Cona at nanlalaki ang kanyang mata sa sobrang tuwa.
Agad ba nagmadali si Cona upang maghanda na agad para sa pasukan. Oo sa sobrang excited nya napakaadvance nya magprepare.
Tumakbo sya ng pagkabilisbilis paalis ng paaralan.
Sobrang bilis nya naiiwan ang mga gabok sa likod niya at nagsiliparan ang palda ng mga babae roon.
"Grabe naman sobrang bilis naman ng batang yun. Sino kaya yun?" sabi ng isang bata.
"Tao pa ba yun?!" sabi naman ng isa.
ayun na nga hindi pa sya nagsisimulang pumasok ay sikat na agad sya. Ang misteryong estudyante na masmabilis pa sa sasakyan.
"Ma, Pa nakita nyo ba yun? Sinunod ko po yung sinabi nyo sakin. Proud na po ba kayo sakin dahil nakapasa ako kahit bagsak ako?" ang sabi ni Cona sa sarili habang tumatakbo patungo sa palengke.
"Wow ang saya saya ko talaga!Hoooo!" sigaw ni Cona sa sobrang tuwa.
Pero kung di siguro dahil dun sa mabait na principal na yun ay hindi ako makakapasa. Papasalamatan ko agad siya sa unang araw ng pasukan. Ayon ang nainiisip ni Cona na dahilan sa kanyang pagkapasa.
Hayown si Cona, naghanda na nga dahil malapit na ang araw ng pasukan. Pero dahil mahirap sya kumuha muna siya ng maraming trabaho at kumita ng pera. Kung ano ano kinuha nyang trabaho kagaya na lang ng tagabuhat sa palengke ng mga isda at bigas, tsaka *toot* at iba pa.
Apat na Linggo ang Nakalipas...
Eto na nga nakaipon sya ng limangdaang piso.
"Grabe ang laki ng kita ko ngayon napakamapagbigay naman nila. Akalain mo sa limangput pitong trabaho na aking ginawa ay nakalimang daan ako. Napakababait naman nila." ang sobrang sayang sabi ni Cona.
Syempre di nya na napapansin na inaabuso sya ng mga tao at oo malaki na para sa kanya ang limang daang piso.
Eto na nga bumili na sya ng mga kailangan sa paaralan.
Nakita nya yung babaeng natutulog sa araw ng entrance exam na natutulog na naman sa harap ng Expression na katabi ang kanyang mga pinamili, mga tatlong supot lang naman na puno ng mga kagamitan.
"Eto na naman yung babaeng tulugin. Ano na naman kaya natripan neto at nakabistida lang at tinulugan nya pa ang kanyang mga pinamili, aist." sabi ni Cona sa sarili.
Nilapitan nya yung babae at ginising ito.
"Hoy! Yung gamit mo baka manakaw sayang naman, akin na lang, de joke. Tsaka yung pananamit mo ayusin mo baka marape ka." sabi ni Cona sa babae.
"Huh?....Ahhh! sige salamat." mahinang sabi nang babae. Tumayo agad ang babae at umalis na.
"Ang weird nya talaga." ang sabi naman ni Cona sa sarili.
"Okay, eto na mamimili na ko." ang galak na galak na sabi ni Cona.
Matapos mamili si Cona
Umuwi na sya sa bahay at eto na nga nakabili si Cona ng isang piraso ng ballpen, dalwang balot ng papel na nagkakahalaga ng apat na daang piso at tela na nagkakahalag ng limangpong piso.
Ginamit nya ang papel na binili upang ito ay gawing kanyang sulatan. Ginuhitan niya ng mga linya ang bawat papel at ginupit ito na kasukat ng isang notebook. Tinahi nya ito at pinagdikit. Gumawa sya ng walong notebook na may walongpong pahinaa. Sunod ay ginawa naman nya ang kaniyang bag. Tinahi nya ang tela upang ito ay maging hugis bag at nilagyan ng zipper.
Sa unang tingin ng kanyang ginawa ito'y aakalain mong mamahalin dahil sa sobrang ganda ng pagkakagawa.
"Ahhhhh, ayan ako'y natapos na rin sa wakas. Talaga nga namang makakatipid ka kung ikaw mismo ang gagawa ng iyong mga kaylangan." proud na proud na sabi ni Cona.
Tumayo si Cona sa pagkakaupo sa sahig at tumingin sa kapiraso ng basag na salamin. Tinignan niya ang sarili sa salamin at pinagmasdan ito.Oo, sa sobrang hirap nya wala rin syang salamin kaya yung salamin sa C.R. ng school nila dati na nabasag ay yun ang ginagamit nya.
Hindi naman ako siguro mukhang mahirap sa itsura ko , diba? ang laman ng nag-aalalang isip ni Cona.
"Dibale na, ayus lang yun kagaya nga ng sabi sakin ni tatay dati, Don't judge the food by its looks." sabi ni Cona sa sarili at ngumiti sa salamin.
"11:59 na pala di ko napansin." sabi ni Cona sa sarili at ito ay humiga sa sahig na may kumot. Oo sa sobrang hirap talaga nya kahit isang banig wala sya, tela lang talaga.
Eto na nga guys ilang weeks na lang pasukan na nya...Hooo!! sino kaya yung babaeng lagi nyang nakikita at ano kaya iisipin sa kanya ng kanyang mga kamag-aral?
BINABASA MO ANG
2K ESSAY
HumorAng storyang to ay tungkol kay Conatus Varberat. Isang lalaking nagsisikap na mabago ang kanyang kapalaran. Bata pa lamang kasi siya ay puro kamalasan na ang nasabuhay nya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Kahit nagawa...