Chapter 2: The Principal

44 9 2
                                    

Makalipas ang dalawang Linggo

Isang araw na lang ay maari ng makita ang results ng entrance exam ng Electi Academy.

Habang inaayos ng mga guro ang listahan ng mga susunod na mag-aaral ay katatapos lang ng ating principal na si Medayash ang kanyang trabaho.

Napag-isipan ni Medayash na silipin kung nagagawa ba ng maayos ng mga guro ang kanilang trabaho kaya pagkatapos nya ay agad niyang binalak na pumunta sa katapat na office. Ang office na ito ay dalwang kwarto mula sa principal's office. Dito nagpapahinga at ginagawa ng mga guro ang kanilang trabaho.

Habang bubuksan na niya ang pinto ay nakinig nya ang isang lalaking guro.

"Oy, kamusta na kaya yung lalaking yun. Si C-conatus ba yun? Sigurado ba kayong ayus lang na ipasa sya kahit bumagsak sya sa pagsusulit?".

Pinakinggan nya muna ang usapan ng mga guro bago pumasok. Inilapat niya ang kanyang tenga sa pinto upang makinig ng mas malinaw ang kanilang sinasabi.

"Ayus lang yan. Ikaw kaya basahin mo toh. Ewan ko sayo kung di ka umiyak dyan." sabi ng isang babaeng guro.

Binasa ng lalaking guro ang gawa ni Cona. Sa pagbabasa ay tumutulo ang luha nya sa pisngi.

Makalipas ang ilang minuto. Makikinig sa loob ng opisina ang iyak ng babae na may kasama pang uhog sa likod.

"Sino yun? May nakikinig pala satin?" sabi ng isa pang guro.

Nilapitan ito ng lalaking bumasa ng gawa ni Cona at dali daking binuksan ang pinto.

Ayun na nga, nagtumbalelong ang principal. Nagulat si Medayash kaya agad siyang tumayo at inayos ang sarili upang maging disente sa harap ng kanyang mga katrabaho. Syempre dahil bago pa lamang siya ay hindi pa sya maalam kung paano umakto sa ilang mga sitwasyon.

"Hindi ko papayagan na ipasa nyo ang estudyanteng yan." ang sabi ni Medayash dahil sa tingin nya ay makakasira ito sa paaralan. Hindi siya sangayon na ipasa ang isang mag-aaral na bumagsak sa isang napakasimpleng pagsusulit.

Yun ang nilalaman ng isip ni Medayash Kahit hindi naman simple ang pagsusulit dahil ito ay mula sa Electi Academy na talaga namang may mahirap na pagsusulit.

"Teka lang, di ba pedeng pagbigyan na natin yung bata? Hindi ka ba naawa. At least subukan mo sya kausapin ng personal. Aminin mo Medayash umiyak ka rin." ang sabi ng isang babaeng guro na kaibigan ni Medayash, si Dayt.

"Oo nga naman maam. Malay nyo magustuhan nyo yung bata." sabi ng lalaki na nagbukas ng pinto.

"Sige na nga, titingnan ko pero kung wala akong makitang kakaiba sa kanya ay hindi ko siya papasukin sa paaralang ito. Tandaan nyo ang paaralang ito ay para sa mga batang may kakaibang talento." sabi ni Medayash.

Lumabas agad si Medayash at isinara ang pinto.

"haah,..haah." hingal ni Medayash

Grabe ang cool ko talaga. Nasabi ko yun?! Wow. ano na kaya ang tingin nila sakin?

Yan lang naman ang nasa isip ni Medayash.

Bumalik sa normal ang opisina at muling itinuloy ang kanilang ginagawa.

"Oy, ang ganda pala ni maam noh. 22 years old pa lang pa lang pala sya. Ang bata nya pa." sabi ng lalaking guro.

"Pero syempre mas maganda pa rin si Dayt." sabi baman ng isang guro.

"Hindi naman." sabi ni Dayt, ang isa sa mga diyosa ng storyang ito.

Habang itinutuloy ng mga guro ang ginagawa. Inaalam naman ni Medayash ang lahat ng pedeng malaman kay Cona. Sa isang papelas ay nabasa nya lahat ng kaylangan nya tungkol kay Cona. Nakasulat dito ay..

students Information

Full name: Conatus Varberat
Birthday: November 5, 2000
Contact No: 09999999999
Height: 165 centimeters
weight: 46 kg
Eye Color: Brown
Hair Color: Black
Address: n/a

"Okay, so may paraan na ko para macontact sya pero bakit kaya di nya nilagay ang kaniyang address." sabi ng guro habang nagtataka.

"Dibale na nga, lunch na naman kakain na muna ako. Mamayang 3:00 pm ko na lang sya ipapatawag." sabi ni Medayash sa kanyang sarili.

yun lamang po yung part 1 ng chapter 2 sa part 2 po magkikita na sila ni Cona. By the way po isa po sa pinakamagandang characters ng story na ito si Dayt at Medayash..........Salamat po sa pagbabasa..


2K ESSAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon