Chapter 2: UnexpectedNaglalakad ako ngayon at hinahanap ang classroom ko. Its 1-A isn't it? Bakit puro 1-B, 1-C, ang mga nandito?
Umakyat-baba ako pero di ko pa rin ito mahanap. The students were getting fewer and fewer dahil malapit na magsimula yung klase. I ran up to the 2nd, 3rd, 4th floor pero wala pa rin. I checked every corner of the building, memorize ko na ata lahat ng rooms dito pero bakit wala yung section ko? Wala nang estudyante sa hallway dahil kanina pa nagsimula ang klase.
Ipinatong ko muna ang kamay ko sa gilid ng hagdan kakatakbo. Hinabol ko yung hininga ko. First day na first day late ako, aish.
"Stupid."
Lumingon agad ako sa kung sinong nagsalita. Umm, sinong tinawag niyang stupid?
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay. Close tayo, kuya?
"Ang 1-A ay nasa kabilang building." he said at nagpatuloy lang sa paglalakad. I blushed due to embarrassment. So all this time, nasa kabilang building lang pala ang 1-A?! WTF—
"If you still don't know where the other building is, just follow me. Nakakahiya naman." he said sarcastically. Seriously, sa lahat ng lalakeng pwede kong ma-encounter, siya pa talaga?
"Kuya, alam ko kung saan ang kabilang building. At paano mo nalaman ang section ko? Stalker ka noh?"
"Me? Stalk you? Your section is written on your nametag, babo." ika niya. Hindi ko talaga siya matatalo. Sinundan ko nalang siya dahil di ko rin naman alam kung saan talaga ang kabilang building eh hehehe
Habang sinusundan ko siya, napansin ko ang aura niya. Jet black hair, circle glasses, may hawak-hawak na libro na di niya binibitawan, but he doesn't look like a nerd at all. Nagtataka ako kung bakit di siya nababangga dahil di talaga siya tumitingin sa daan at nakatingin lang sa libro niya. Mamaya nawawala na pala kami dito eh.
Napatingin ako sa nametag niya na ikinagulat ko.
Park Hyunwoo
He paused at nabunggo ako sa likuran niya dahil di ko napansin na nasa tapat na pala kami ng classroom. I can't be wrong. He's Park Hyunwoo. Isa sa mga sikat na actors sa Korea!
Binuksan niya na ang pintuan ng classroom at pumasok sa loob na para bang hindi kami late. Lahat ng estudyante ay nakatitig sa amin pati ang professor. The whole class was silent. Umupo siya sa upuan niya sa bandang dulo habang ako ay tumigil sa gilid ng desk ng professor. I was still shocked. Sinagot-sagot ko pa siya kaganina. Close niya pa naman yung oppa ko, I am so dead.
Napansin ata ni prof na kaganina pa ako nakatayo dito sa gilid niya at nagsimula na siyang magsalita.
"Ehem, so um.. I almost forgot, we have a new transferee. She is Song Jihye. She will be your classmate for the rest of the year." pagpapakilala sa akin na prof. Lumapit ako sa harap para mag-introduce.
"Annyeonghaseyo, Jihye imnida. Mannaseo bangawoyo" I bowed.
Tinuro sa akin ni prof kung saan ako uupo which is sa bandang dulo malapit sa bintana katabi ng lalaking natutulog.
Umupo ako roon at inilapag ang bag ko. Nagsimula nang magdiscuss ang prof kaya kinuha ko na ang mga libro at gamit ko. Di nagtagal, napansin ko yung katabi ko. He has brown-orangish hair at nakaharap siya sa bintana kaya di ko makita ang mukha niya.
Nagulat ako nang bigla siyang humikab at nagising. He looked at me unconciously at nanlaki ang mata namin pareho. "Ikaw?!" sabay pa naming sinabi. This can't be. Hindi puwede.
BINABASA MO ANG
Being A Kpop Idol [Updated]
Teen FictionNever kong naisip na posible akong maging kpop idol. I'm just an ordinary student. Nothing special. Until that day came, when I stole the spotlight. And shone throughout the audience. That's the day I realized that I need to show them what I got.