Chapter 5: Welcome BackJihye
"Nurse! Nurse! Gising na siya!"
"Gising na siya! Gising na si Jihye!"
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Everything is blurry. I see two women in front of me.
"Aunt?" sabi ko nang medyo luminaw ang paningin ko.
"Sa wakas, nagising ka na! Isang malaking milagro.." sabi niya nang nakalamawak na ngiti.
"Nasaan po ako, aunty?" Everything's white. May nararamdaman akong mga nakatusok sa akin. I could see a window beside me.
"You're in the hospital, my Jihye. Thank God, you're awake. Sabi nila 1 week lang daw at ok ka na pero lumala kaya 5 months ka na dito." 5 months?
"5 months? Ano po nangyari?"
"Nahimatay ka daw habang paalis sa locker room at sobrang lamig mo daw. Sobrang alala namin sayo noon. Buti nalang may lalaki na dinala ka sa hospital at binayaran pa lahat ng fees mo dito. Malaking pasasalamat sa kanya." Sinong lalake? Wala akong matandaan.
"At saka nga pala, habang kinokolekta namin ang gamit mo sa locker may nahanap kami. Ito," inabot sa akin ni auntie ang pencil case na bigay ng lola ko. Paano to napunta sa locker ko? I suddenly remembered someone.
"Pwede na po ba ako umalis? May kakausapin po ako.." I tried getting up but my head became very airy. I couldn't stand up.
"Di pa muna pwede pamangkin.. Wag mo biglain sarili mo.. At bago ko pa makalimutan, someone gave you this. I saw this at your bedside table when you were still asleep" inabot niya sa akin ang letter.
Jihye. I'm sorry. Na konsensiya kasi ako pero don't take it the wrong way. Nakonsensya lang talaga ako. And by the way, I hope you come back. I hope I'm not the reason why you are not able to come back to our company. We're waiting for you.
-Jaemin
So kinuha niya ang pencil case ko sa bubong? Kaya pala sugat sugat siya nung pumasok siya noon. At siya nakokonsensya? that's new. Pero still, I'm thankful.
May pumasok bigla sa room ko at nandoon ang kapatid kong lalake na 2 years younger than me. Si Jiwon.
"Dahil sayo, kailangan kong umalis sa school ko. At dahil sayo, iyak ako ng iyak kada gabi at buti naisipan mong gumising dahil magpapasko na!" sermon niya sakin. Sabog-sabog ang buhok niya at may flowers siya sa kamay niya na lagas-lagas. Mas masermon pa siya kay appa eh.
"At dahil sayo, mabibingi ako sa sermon mo. Yieeeee iniyakan ako ng magaling kong kapatid! Halika nga dito yakapin mo ko" hinila ko siya papalapit sakin at sinubsob ko siya sa dibdib ko. "Bitawan mo ko! Uy!" pag-iinarte niya. Sa sobrang miss ko sa kanya pinagsasabunutan ko na rin siya. Ang bait kong ate noh?
"Ay wait, magpapasko na?" bigla kong natandaan sa sinabi niya kaganina. "Check the calendar. It's December 21." MAGPAPASKO NA?
"Aunty, Kelan ako makakalabas dito?" tanong ko. "Tatanungin ko ang doctor, pero siguro pwede kana makalabas ngayon.."
--------
Shet, kinakabahan ako. Ano kaya sasabihin ng CEO sakin? Nasa harap ako ng dance room kung saan nagttraining sila ngayon. Onti-onti kong binuksan ang pinto.. Wag sana nila ko sermonan.. wag sana nila ko sermonan...
"WELCOME BACK, SONG JIHYE!" nagulat ako nang may mga sumabog na confetti at may mga handa pa. "Pinaghandaan niyo to?" tanong ko sa kanila. "Hindi ba obvious?" sabi ni Haesoo. Natawa nalang kami lahat. Hay, it's nice to be back.
Napatingin kami sa likod nang bumukas ang pinto at pumasok ang CEO. Lahat kami natahimik.
"Song Jihye, where were you for the past five months?" tanong nito sakin. Close ako kay Papa YG dahil madalas kami magkasundo pero ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso. "Na-ospital po siya—" sasabihin na sana nung isang trainee nang pinutol siya nito. "I want Jihye to answer my question."
Kinakabahan ako. "A-ano po kasi... um.." nautal-utal pa ko. Shet ano sasabihin ko? "Do you know how much things I have to go through without you? Ikaw lang ang nagtitimpla ng kape ko dito na nagustuhan ko at dahil wala ka, five months akong di uminom ng kape. You better do something about it"
Napa-aww naman sila lahat. Ang sweet talaga niya! "Opo, tay." sagot ko nalang. Hay, nako. Who thought that it would be like this?
"What are you all waiting for? Bottoms up! Let's continue the party!" sabi niya kaya naghiyawan ulit sila lahat. At dahil free day ngayon, we are allowed to eat anything we want.
I'm so happy that I'm back. Even though hindi ganun katagal ang pagsasama naming trainees, we became one. We supported each other, even though we know we'll be enemies soon. I missed them all.
Pero bakit parang may kulang?
Nasaan siya?
****
Bumalik na ang Jihye natin :') I feel like a proud mother lmao pero chapter 5 palang, meaning marami pang mangyayari. Hope you look forward to it. I love you all! May your wishes come true this upcoming christmas~
*Edited 1/15/18
BINABASA MO ANG
Being A Kpop Idol [Updated]
Novela JuvenilNever kong naisip na posible akong maging kpop idol. I'm just an ordinary student. Nothing special. Until that day came, when I stole the spotlight. And shone throughout the audience. That's the day I realized that I need to show them what I got.