Jihye's POVNagising ako ng maaga nang may narinig akong kumakatok sa dorm ko. Sino naman yun at bakit ganito kaaga?
"Annyeonghaseyo.." sabi ng babaeng may hawig kay Sandara sunbaenim. Mahiyain siya at may dala-dala siyang mga maleta. Siya ba ang magiging roommate ko na sinasabi nung staff?
Ang ganda niya. Ang haba ng pilikmata niya at ang plump ng lips niya. Hourglass pa yung katawan niya. Nahihiya katawan ko eh.
Di ko napansin na kanina pa pala siya dyan nakatayo kaya pinapasok ko na siya. Since maliit lang ang kwarto ko, share kami sa iisang kama. Queensized naman kaya kakasya kami.
"So, ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang tinutulungan siyang ilatag ang mga gamit niya.
"Haven (헤이븐) po. Half-canadian po kasi ako. Kayo po, ate?"
"Jihye nalang. '02 liner ako at mukhang magka-edad lang naman tayo kaya okay lang kahit maging informal ka sakin" sagot ko. Ayoko ng awkward atmosphere. Pero sino nga ba naman di maaawkwardan kung may babaeng triple ang ganda sa harap mo?
Nag usap usap lang kami habang inaayos ang gamit niya at nilalagay sa cabinet. Sa SOPA rin siya nag-aaral katulad ko pero magka-iba kami ng section.
Nagring na ang morning bell kaya ibigsabihin magttraining na. Kinuha ko kaagad ang rubbershoes ka at tumakbo kami ni Haven papunta sa training room.
"Is everyone here?" tanong nung trainer. Sumagot kami lahat at nakita ko si Jaemin sa di malayuan. He's still... Jaemin. Pero di niya ko pinapansin. Ano problema nun?
"Jihye nandito ka na pala. Welcome back. At bago tayo magsimula ng vocal lessons, ipapakilala ko muna ang bagong trainee. Halika dito, Haven." tumayo si Haven at pumunta sa tabi nung trainer. Nagpakilala siya at halata naman na namangha yung mga lalake sa kagandahan niya. Pati na rin si Jaemin. Oa magreact eh, tss.
"Okay okay! Tama na daldalan, mauna ka Jihye" announce nung trainer. Lumapit na ako sa recording room at nagsimula na akong magtrain. Marami akong mali here and there dahil 5 months akong wala, pero mukhang good mood yung trainer kaya di ako sinermonan. As usual, namamangha pa rin yung trainees sa boses ko.
Sumunod naman si Haven. Grabe makacheer mga trainees eh. Dibale, maganda eh.
First day niya palang as a trainee pero ang ganda nung boses niya. Nag vocal lessons kaya siya bago magtrainee? Imposible naman.
Nagbulungan yung mga trainees habang kumakanta si Haven. Sinulyapan ko si Jaemin at nakatitig lang siya kay Haven. Wala ba siyang balak pansinin ako?
Natapos na ang vocal training at nagbreakfast muna lahat ng trainees. Yung mga kailangang magdiet, tinimbang muna bago kumain. I checked my weight at..
49kg?! 45kg lang ako noon ah. I gained 4 kilos. Patay.
The staff glared at me. At iisa lang ibigsabihin nun, kailangan ko magdiet. Bwisit.
Sinubo ko ang huling dahon na natitira sa salad at uminom ng protein shake. Nandidiri talaga ako sa lasa, kaso kanina pa ko tinititigan ng staff dito. Yung ibang trainees kumakain ng rice, soup, chicken breast, at egg tart. Nakakaiyak.
"Tapos na ba lahat? Everyone gather here" tawag nung isang trainer. Lumapit kami papunta sa kanya.
"As you all know, malapit na ang debut ng kung sino man sa inyo. Sigurado akong nagkakainitan na ang tingin niyo sa isa't isa. Kaya naman bago mag pasko, may ipinapabigay na misyon si YG." lahat kami nacurious. Mission?
"On Dec. 25th, you are allowed to go anywhere you want. Visit your family, shop, feel free to go anywhere. Pero magkatapos nun, may iaassign sa inyo as backup dancers ng blackpink para sa comeback nila. So we will have a mini competition.. It can be in rap, dance, or vocal. You will be divided in teams tomorrow. You can start practicing right away. Same songs will be given. Tandaan niyo, nakasalalay ang debut niyo dito..." napagasp nalang kaming lahat. Napa yes yung iba at yung iba naman nagtatarayan na.
Mini competition, huh?
*****
Sorry for the very short chapter. Been very busy lately. Thank you for 200+ reads. I hope you like the story as much as I do. Will be back soon!
![](https://img.wattpad.com/cover/118416477-288-k821722.jpg)
BINABASA MO ANG
Being A Kpop Idol [Updated]
Teen FictionNever kong naisip na posible akong maging kpop idol. I'm just an ordinary student. Nothing special. Until that day came, when I stole the spotlight. And shone throughout the audience. That's the day I realized that I need to show them what I got.