Gemma Louize Rodriguez
"Gemma, Samahan mo naman ako. Magpapraktis lang ako kasama 'yung banda namin, May gagawin ka ba ngayon?" Tinawag ako ni Joseph pagkatapos ng klase namin. Hmm, Uwian na rin naman. Tsaka lagi naman akong nanonood kapag tutugtog sila kahit practice lang kasi iniimbitahan niya akong maging bokalista, Hindi naman ako masyadong marunong kumanta eh. Epal lang talaga siya, crush ko nga naman.
"Hah? Wala naman magrereview lang ako pero sige, Hintayin mo nalang ako sa Gate, maglalagay lang akong gamit sa Locker." akmang aalis na ako but he stopped me at hinawakan balikat ko.
"Huwag na sasamahan na kita. Akin na yan." Kinuha niya na lang yung mga gamit ko at tinulungan ako sa mga bitbitin. Kung kinikilig ba ako? Hindi naman. Nasanay na akong ganyan siya. Casual lang. Hindi ko naman siya ganun kamahal, crush lang.
"Joseph! Ingatan mo yan hah! Gemma, Uuwi na ako agad, may pupuntahan kasi kami nila mama." Tumango na lang ako kay Skye at niyakap siya bago umalis.
Nakapaglocker na kami ni Joseph at pumunta na sa Meeting place lagi ng Banda nila. Tumugtog lang sila ng Magbalik ng calalily at ng Huling sayaw ng kamikazee kasi naman may lakad pala yung ibang members nila kaya nagpaalam na rin yung iba sakin pati kay Joseph.
Si Joseph nalang naiwan na nagdadrums pa rin hanggang ngayon. Mukhang may gustong maperpekto. Nilapitan ko na lang baka hindi niya namamalayan oras.
"Mukhang nastress tayo ngayon ah, may maitutulong ba ako diyan?" Tinignan niya ako at naliwanagan ang mukha niya, Ano kaya naisip nito?
"Yes meron, Kantahin mo tong part na to. Please?" Aangal na sana ako kaso nangungusap yung mga mata niya kaya napailing na lang ako at kinuha yung kopya ng kanta.
"Subalit ngayo'y, wala na. Wala na." Nakita kong napangiti siya kaya tinuloy na niya ang pagdadrums niya.
"Ikaw ay, Lumayo na. Lumayo na."
"Naalala ko ang mga gabi, nakahiga sa ilalim ng kalawakan. Naalala ko ang mga gabing, magkatabi sa ulan." Tinitignan ko na lang siya habang magkasabay kaming kumanta.
Nagulat akong bigla nung nahampas ako ng katabi ko at napaayos ng upo. Nakatulog pala ako.
"Ms. Rodriguez, Kung matutulog ka lang sa klase ko kahit orientation palang ito. You may now go outside to wake yourself up." Hindi na ako naghesitate pang magreklamo o sumabat kaya tumayo na lang ako ng tahimik at lumabas. Tsk. Bakit ko pa kasi naiisip yung ganun?
Wake Up Gemma! Damn. Ako rin naman nagsabi kanina na mag-isip ng nagpapasaya sakin pero bakit habang pinapasaya mo mga nararamdaman mo, nasasaktan mo rin ito? Bahala na nga. Nagjumping jack nalang ako sa labas ng room namin buti nalang walang tao sa hallway.
"Oh bakit napalabas ka?" Or so I thought. Meron pa rin palang makakakita sakin. Tsk. I turned around to see Benidicto in front of me.
"uhm, kanina ka pa diyan?" Sumandal lang siya sa pader malapit sa pintuan namin at tumingin sakin.
"Kakarating ko lang, galing CR. Papasok na ako o gusto mong may kasama?" Okay, first we are not even close yet, and Second why would he want to accompany me right?
"Ahh, wag na. Papasok na rin ako sa loob." tumango na lang siya at pumasok. Matapos kong ayusin sarili ko nakapasok na ako sa loob ng room.
Tinignan lang ako ni Sir Lacand at nagpatuloy kaya bumalik na ako sa pwesto ko at nakinig.
Hanggang natapos na yung Time ni Sir Lacand at yung sumunod ay si Ms. Gracia, Advisor namin. Siguro hindi ako matutulog nito dahil English yung subject, My favorite subject.
"Good Morning class."
"Good Morning, Ms. Gracia."
"So, before anything else. I will give out your seating arrangements for the whole school year. This may be changed if some of your Professors complain about behavoirs." We got our things and pumunta na kami sa designated seats namin.
When I got there I was surprised who'll be my seatmate. Its Benidicto. May 2 columns in 4 groups while having 5 rows. Nasa may dulo kaming dalawa. Hindi niya ako napansin kasi nakatungo siya at mukhang tulog. So wala palang akong makakausap dito. Umupo na lang ako sa tabi niya at inayos gamit ko.
"Hi seatmate." I looked at him dumbfounded, gising at alam pala niya? Inabot niya sakin ang kamay niya, Ang straightforward niya.
"Patrick James Benidicto." I shooked his hand and introduced myself kahit na I was taken aback.
"Gemma Louize Rodriguez. Sige tulog ka na ulit" Tinanggal ko na agad pagkakamay ko sa kanya, akala ko tutungo na ulit siya pero nabigla ako sa sinabi niya at nag-init pisngi ko sa kahihiyan.
"Sige, para mapalabas din ako." at tumungo na siya. Hays makikinig na nga lang ako.
Pero makalipas ata ng sampung minuto malayo na naman iniisip ng utak ko.
"Gem. Ako lang tatawag sa iyo niyan hah?" I looked at Joseph habang natatawa ayaw ko ng gem, hindi naman kasi ako precious. Lahat tawag sakin Gemma or Emma but never Gem and Louize. Pero ano pa nga bang magagawa ko?
"Fine, libre mo na ako" Inirapan niya ako pero hinila rin naman niya ako paloob ng canteen. Idiot.
"Ms. Rodriguez, Wake Mr. Benidicto Up. Or else you'll get out of this classroom again." Hays, Damay-damay na pala ngayon. Tinapik ko si James pero ayaw parin niyang umayos.
"Uhm, James. Wake up, parehas tayong mapapagalitan." niyugyog ko siya pero ayaw parin niya kaya nakatingin na sakin si Ms. Gracia at nilapitan kami.
"Mr. Benidicto! Its not the time for sleeping! Get out! You too Ms. Rodriguez." I can't believe that I can cope up with her strictness. Nakakainis. I stood up at nakita kong umayos na si Benidicto ng upo, hindi ko nalang siya pinansin at lumabas.
Nice Day Gemma! Nalate ka na nga napalabas ka pa ng dalawang beses. Hays. I looked at Benidicto nung lumabas na siya. I don't really tell how I feel inside and what I'm really thinking even if I want to, Kabaligtaran ang pinapakita ko at nasasabi ko sa tao. Sa ngayon naiinis ako dahil kay Benidicto. I know gising siya ayaw niya lang sumunod. Stubborn kasi. But instead na sabihin ko yung nasa loob ko. Tinignan ko nalang siya.
"Okay lang to." Nagtataka siyang tumingin sakin habang sumandal sa pader. See? Kabaligtaran.
"You know why kung bakit hindi ako sumunod agad?" I looked at him questioningly.
"Because you're the Third person to call me James, I forbid it to other people other than the two but why can't I do the same to you, Louize?"
~
Ongoing
BINABASA MO ANG
Blurred Imaginations
Storie d'amoreHe was Desperate.She was Lost.They found each other.They met.They Had feelings. The question is were they meant?