3•Dark Blue

21 3 0
                                    

(Dark Blue:represents knowledge, power, integrity, and seriousness.)

Gemma Louize Rodriguez

Uhm what he said doesn't make sense at all. First, I just know him by his name not by his attitude or heart and Lastly, I don't really know him that much for me to make him feel that way. I just looked at the side and did an apology, Dammit. Pride and ego. I have those rising up high in me. That I just can't lower it down for someone but then again what I say is always the opposite of what I think.

"Sorry." There I said it without looking in his eyes. Why? I'm not really sincere about it because that was a nonsense explanation awhile ago. Hindi siya sumunod kasi tinawag ko siyang James? Do I know? Edi sana hindi ako napalabas. Kabadtrip.

Tinalikuran ko siya at sumilip nalang sa pintuan para tignan kung ano lesson kay Ms. Gracia. Bigla ko naman narinig mga yabag ng paa palayo sakin. Lumingon ako ng konti only to find him going down the stairs. Saan naman pupunta yun?

Nabaling atensyon ko nung binuksan ni Ms. Gracia yung pintuan at tinitignan kung may tao sa hallway.

"Ms. Rodriguez, sorry to make you go outside I think that you can say some things to Mr. Benidicto and scold him to get his to get his attention back immediately, You may now come in but where is he?" Oh great, pinapapasok niya na ako, despite her strictness kaya kong tapatan yun and wala bang sumasagot sa boring niyang subject kaya niya ako pinapapasok dahil favorite subject ko yung tinuturo niya? Tsk.

Hindi pa bumbalik si Benidicto kaya I shrugged in front of Ms. Gracia while she steps aside for me to come in.

"He went down seconds after you opened the door, Ma'am." she just nodded at me and continued her lesson.

15 minutes later malapit ng magbell hindi pa rin bumabalik yung katabi ko kaya I left sa sticky note at his desk to tell him what was our lesson and the activity that the class will take home. See? Even if siya may kasalanan kanina, I still have goodness in me.

Ms. Gracia told us to fix ourselves up and get ready for break time just as when we do it, Benidicto comes back.

"Mr. Benidicto, Where have you been?"

"all my life?" I heard him added to what Ms. Gracia told him kahit na pabulong yun. Medyo natawa ako ng palihim kasi ang baba ng boses niya para kantahin yun.

"Nag-CR po Ma'am." nakita kong bumuntong hininga nalang si Ms. Gracia at pinalabas na niya kaming lahat.

Papalabas na sana ako kaso nahulog ko yung panyo ko sa ilalim ng upuan. Habang kinuha ko yung panyo nakita kong may naglagay ng kung ano sa desk ko and si Benidicto yun I'm sure of it.

'Thanks Louize. ≧∇≦'

I guess nabawasan ng konti pagkabadtrip ko ngayon pero Louize tawag niya sakin hays, Dad ko lang tumatawag sakin ng ganun eh, kapag galit pa. Nagpunta nalang ako sa locker area at nilagay gamit ko tsaka dumiretso sa Canteen.

Nakita ko si Persephone Skye Gomez and bestfriend kong babae simula nung Junior high at si Matte Archer Kelsey na bestfriend kong lalaki at yung iba  ko pang mga kaibigan. Nagtataka ako na kinikilig dahil pinaggitnaan si Skye ng Buenaventura Twins. Si Kenji at si Daniel. Sikat sila pareho sa School na ito.

To be honest si Daniel ang crush ni Skye nung Junior High palang kami dahil bukod sa gwapo ito, Matalino siya at nirerespeto ng buong school dahil sa Theater talents niya at academic performance niya. Si Kenji naman ay isang school's basketball varsity player, Gwapo rin naman siya at Musically Inclined siyang tao kaya ayan ginagamit ang talent for girls, in short playboy. Matutukoy mo sila pagdating sa aura and style nila. Si Daniel may salamin na masculine type while si Kenji naman walang salamin na sobrang lakas ng dating.

"Hi Emma! Upo ka na dito." tinignan ko si Daniel kasi siya yung nagsabi nun kaso nabaling ang tingin ko kay Skye na parang ayaw niya. Tatayo na sana si Daniel pero pinigilan ko nalang siya at umupo sa tabi ni Archer at tumungo, hays stressed na nga ako ngayon, mas lalo pa mamaya dahil may trabaho ako.

"Oh mukhang pagod ka na ah, Maaga pa oh." Sabi ni Kenji. Teka bakit nga pala sila nandito? Di bale na gusto naman ni Skye yun.

"Yes super, Nalate na nga ako kanina. Napalabas pa ako sa Unang dalawang subject namin." Magkaiba nga pala kami ng section sa group of friends namin Ako lang yung nahiwalay. Tsk. Nakita ko naman sila natawa at the same time halos sabay na silang lahat magsabi ng grabe.

Biglang tumayo yung dalawang kambal dahil time na nila. Tinignan ko si Archer na nagbabasa ng libro pero kinausap ko parin.

"Bakit nandito yung kambal?" naghintay ako ng sagot at tinignan si Skye na nakatulala dahil sa sobrang pagpigil ng kilig. Hays, buti pa ito may lovelife.

"Si Daniel umupo dito kasi wala nang maupuan tapos sinundan naman siya ni Kenji. Napaggitnaan si Skye kasi nauna si daniel makaupo tapos biglang dating ni Skye sunod si Kenji kaya ayun." To be honest kaclose ko yung kambal dahil minsan ko na silang mabigyan ng payo about girls nung Junior High at natulungan ko na sila dati sa gawain nila pati naging kalaro nung Elementary palang kami kaya ganun lang sila kacasual kausapin ako.

"Oh kaya pala, so tuwa ka naman na Skye?" tinignan niya lang ako at masasabi kong natutuwa siya base lang sa mga mata niya habang tumatango siya, hay nako.

Kaya natawa nalang kami pero natigil yung tawa ko nung nakita ko kung sino dumaan sa harapan ng table namin, si Joseph Adler kasama mga kaibigan niya bakit ba ganito parin epekto niya sakin? Kainis naman oh.

"Ang saya niyo diyan ah. Ano meron?" Tinignan lang namin siya at sinagot naman siya ni Skye.

"Wala naman, Time na ba?" tumango lang siya at naglakad paalis kaya tumayo na lahat ng kaibigan ko sa table namin at nagpaalam. Hays, mag-isa na naman ako. Oh well sanay na naman pala ako. Simula palang sa bahay hanggang nung nagalit at iniwan ako ni Joseph dahil lang sa mababaw na dahilan, parang lahat na nga ata eh even though may mga kasama parin akong mga kaibigan. At the end of the day, I'm still lost in this feeling of being Alone.

Nahagip ng mata ko si Benidicto, so siya nga yung lalaking hindi ko alam yung pangalan na kaibigan nina Adler. Mga Troublemakers. Base sa observation ko, siya ay underrated masyado at hindi ganun kasikat in terms of being a troublemaker, ang alam ko may tahimik sa kanila at pinakamabait so baka siya yung tinutukoy dati ni Adler, yung sina Angelo at Clifford ang malala.

Tutungo na sana ako kaso magtatime na but let me rest kahit konti.

"Huwag ka na diyan matulog, Time na Gem. Tara na." Gem? What? Isa lang tumatawag sakin nun at yun ay si Joseph, kaya napatayo bigla ako at tinignan kung sino yun.

Si Benidicto lang pala.

~
Ongoing.

Blurred ImaginationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon