AWKWARDNESS

808 18 5
                                    

"Anak, okay na ba mga gamit mo para sa outing niyo?" Mommy Devine asked.

"Opo Mommy, nakaayos na po." sagot ni Sarah.

"Mamayang gabi na ba ang alis niyo?." tanong ng Daddy niya.

"Opo Daddy, susunduin po ako ng driver ni Miss Leah, sabay sabay na po siguro kaming aalis."

"Ah ganoon ba sino pa ba ang mga kasama niyo?" Tanong ulit ng Ama.

"Actually ayaw pong sabihin ni Miss Leah. Baka po kaibigan nila Daddy." sagot niya.

Pumasok na naman sa isip niya ang lalaking ilang araw nang bumabagabag sa kanya. Si Bamboo.

Kamusta na kaya siya? Siguro nasa bakasyon din siya kasama nang pamilya niya. Naiisip din kaya niya ako? Namimiss din kaya niya ako tulad ng pagkamiss ko sa kanya?

Biglang nagbalik sa katinuan si Sarah nang tapikin siya nga Mommy niya.

"Uy anak, okay ka lang ba? Ang lalim ata ng iniisip mo?". Tanong ng ina.

"A-ay hindi Ma, I-iniisip ko lang po mga dadalhin ko." pagsisinungaling niya.

"Sige pumasok ka na sa kwarto mo at idouble check mo mga gamit mo okay? Excited ka lang eh." panunukso ng Ama.

"Hehe syempre naman Dad. Sige na po pasok na po ako baka bawiin nyo pa po ang pagpayag nyo heehe." sabay takbo papasok sa kwarto.

Ngunit ang totoo ayaw niyang mabuking siya ng magulang na iba ang iniisip nito.

Naisip niyang makinig na lang ng music iPad sa niya. Since nakaimpake narin siya. Nahiga ito at pinatugtug niya ang isa sa favorite niya sa kanyang latest album ang Eyes on Fire.

This ain't the first time that I close my eyes

To block the sunrise

It always looked familiar but it breaks to me

Like a new star no matter how far

I see the colors of its radiant skin so clear

Well, too bad when it was me

It was never, never real

Oooohh..ooohh

I don't know where to go from here

It's been a waste of time thinking of you

Darling, I miss you

Can't resist

Pinch me, I'm dreaming again

Oh, I've had the best of days

But now it's time to let them go

Napaisip na naman ang dalaga.

Naguguluhan siya. The song was perfect and it was really meant for him, for Bamboo.

Sana panaginip na lang ang lahat, so i can be with him without pretensions, without hesitations. No awkwardness, no secrets, no lies. But in reality we can't and we will never be.

"Hay makatulog na nga lang muna." saad niya sa sarili.

9:30 in the evening. Nagising si Sarah sa lakas ng katok sa pinto.

Binuksan ito.

"Ano po yun Mommy?" wala pa sa sarili ng tanungin ang ina.

"Anak anjan na yung sundo mo." sagot ng ina.

Stealthy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon