Sa loob ng kaniyang kwarto.Hindi parin makapaniwala si Sarah.
Bakit ito nangyayari?
I'm still clueless kung bakit kaming dalawa lang ngayon dito.
Set up ba ito?
Pero imposible, walang ibang nakakaalam sa nararamdan ko sa kanya.
At may tiwala ako kay Miss Leah.Tadhana ba ito?
Kung gawa man ito ng tadhana hindi ito nararapat, hindi ito tama.
Naalala na naman niya ang nangyari kanikanina lang.
Ilang dipa lang ang layo namin sa isat isat and I almost hugged him.
Buti nakapagpigil ako.
Ngunit bakit ganoon na lamang siya makatitig sakin?
Tingin na kelan man hirap akong suklian dahil natatakot akong baka mahulog na ako ng tuluyan at makalimot.
Kaya iwas na iwas ako sa mga
duets namin.Alam kong napapansin na rin ng mga fans namin ang awkwardness sa aming dalawa.
Pero ito ang nararapat. Mahal ko ang mga nagmamahal din sa akin, ayaw ko silang saktan at paasahin.
Biglang naalala ni Sarah na tawagan na lamang si Leah para tanungin ito kung bakit sila lang ni Bamboo ang nadoon ngayon.
Gusto sana niyang kausapin si Bamboo para tanungin ito pero nahihiya siya dahil sa nangyari kanina.
Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at hinanap ang cellphone.
Kinalkal na niya ng paulit ulit ang bag pero wala duon ang cellphone. Ang Ipad at charger lang ang dala nito.
Sa pagmamadali ko kagabi hindi ko na na-alalang dalhin.
Pinatay ko pala iyon nung Monday at nawala na sa isip ko.
Nag-away nga pala kami ni Matt.
Sigurado nag-aalala na siya sakin dahil di parin ako nagtetext.
At paano nga ba ako magtetext kung wala akong dalang cellphone. Siguradong wala ring internet dito dahil nasa barrio kami.
Paano ko rin tatawagan si Miss Leah at sina Mommy?
Makikitext na lang ako kay Manang Pasing bukas.
Makaligo na nga lang muna.
Nagtungo nga sa banyo si Sarah at nagshower.
Maayos din ang pagkakadesenyo ng kwarto, Makikita dito ang view ng dagat. Pagpasok palang mabubungad na ang full glass window na may magarbong kurtinang nakatakip lamang dito. The wall was painted skyblue na bumagay talaga sa kulay ng dagat. Mapapansin din agad ang king sized bed sa bandang kanan mula sa pinto. The bed was all white, even the sheets and the pillows. Sa bandang left corner naman makikita ang mini living area meron ito sofa and a TV hanging on the wall. May sariling bathroom din ito at kompleto narin sa gamit. It was a fully air conditioned kaya sobrang nakakarelax.
Samantala sa kabilang kwarto.
Bamboo checked the time and its only 8:10 am.
He decided to take a nap. Hindi rin ito nakatulog ng maayos sa byahe kanina kaya nakaramdam siya ng antok.
Nag-alarm siya ng 10:30. Naisip niyang siya na ang magluto ng lunch nila ni Sarah. Pambawi sa ginawa niyang kanina alam niyang naoffend nito ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Stealthy Love
FanfictionThis is an AshBoo fan fiction. Dedicated to my idols :) Sarah and Bamboo. Hope you find time reading it enjoy :)