CHAPTER 1.

123 1 0
                                    

Kevin

"Hindi porke't walang happy ending, di na siya pwedeng tawaging love story. May mga bagay na kahit anong pagmamakaawang gawin mo para manatili, ay mawawala dahil di mo pinahalagahan."

"At yun ang kwento ko. Lovestory yun ah."

"Sir, lovestory ba yun? Namatay yung bida. Walang happy ending."

Nagbulungan ang mga estudyante ko. Tama nga sila, walang happy ending ang kwento ko. Namatay yung character at may naiwan. Ganun talaga eh. Hindi pwedeng lahat ng storya ay masaya.

"Ano ba kayo. Hindi lahat ng story may happy ending. Isa pa, di din nageexist ang happy ending. Kasi kung totoong magandang storya yan, wala dapat ending diba? Kaya iwasan ang pag gamit niyan."

"Yes sir."

"Osige na. Class dismiss na."

Lumabas na ang mga estudyante ko. Nagayos ako ng mga gamit. Last batch na sila para sa araw na yun.

Rose is calling...

"Hello?"

"Kevin! Nandito kami ngayon sa mall malapit jan sa school niyo. Tara! Tapos na ba klase mo?"

"Hmm oo. Sige hintay lang."

Binaba ko ang phone. Nilagay ko sa bag at lumabas na. Hindi naman kse ako totally teacher. Mentor lang ako ng mga gusto o mahilig magsulat. Kinuha lang ako ng tropa ng tropa ni Papa dito para may mapagka-abalahan lang. Dahil sa sobrang depression ko dati.

Ilang minuto lang nakaraan, nakarating na din ako dun. Nakita ko sila. Matagal-tagal na din simula nung huli naming bonding. Wala na din akong masyadong balita sa kanila.

"Oy! Kevintoooot!"

Ngumiti ako at lumapit. Buo kami ngayon, buo sana.

"Kamusta naman? Balita ko kinarir mo na lang ang pagiging mentor mo ah?"

"Oo eh. Sayang din kse. Chk wala pa naman akong nahahanap na trabaho. Ikaw Yssa? Ano kamusta? Kamusta kayo? Dun tayo oh!"

Niyaya ko sila sa isang coffee shop. Parang ang sarap sa feeling na makasama mo ang mga barkada mo nung highschool at makita mong, graduated na kayo ngayon. Tapos na ang buhay estudyante niyo.

"Buti na lang naalala ko na nagmementor ka dun. Kaya tinawagan ka na namin agad."

"Sakto pa. Last session ko na yun para ngayong araw. Ganda ng timing niyo."

"Guys, dumadalaw pa ba kayo kay Pat?"

Biglang binasag ni Ynna ang kaingayan namin. Lahat kami napa-poker face. Kelan nga ba ang huling punta ko dun? Ah nung bigla ko siyang naalala at bigla na lang akong dinala ng paa ko kung nasaan siya.. sa sementeryong pinaglilibingan niya.

"Oo naman. Kayo?"

"Oo. Minsan sabay pa nga kami ni May."

"Ikaw Kevin?"

"Ha? Oo napunta ako dun. Di man lagi. Pero nadalaw ako pag may time."

"Shit namiss ko si Pat."

Sino nga ba naman ang hindi makakamiss sa isang babaeng, I mean lalakeng nasa katauhan ng babae na sobrang kalog at sobrang ingay? Sana lang kasi nandito siya.

"Oy mauna na ko ha. Mejo pagod na din eh. Sige na. Salamat. Set nlang tayo ulit ha."

"Sige Kevin. Ingat."

Umuwi na ko. Nasa apartment lang ako nakatira pansamantala. Gusto ko kasing laging mag-isa. Habang nagsusulat ako ng mga ilelecture ko bukas. Naalala ko siya. Yung kwentong binanggit ko sa mga estudyante ko, lovestory namin yun ni Patricia. Hindi man ganon ka-lovestory yun, sobrang di ko talaga makalimutan bawat detalye. Sana nandito kasi siya. Sana inalagaan ko kasi siya. Sana kasi di ko siya iniwan. Kung alam ko lang kasi sana, edi sana inalagaan ko siya.

Unexpected Love (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon