CHAPTER 4. ( PART1 )

19 0 0
                                    

CHAPTER  4.

Hello! Sa mga nagbabasa nito, kahit medyo mabagal ang update ko, maraming-maraming thankyou po! Feeling ko hindi maganda kasi walang happy ending eh no? Pero hangga’t maari nilalagyan ko naman ng kilig scenes eh. Hahaha so bagong story naman ang babasahin ni Mentor Kevin. Sino kaya makakarelate dito? Anyway, comment & vote libre yon! Hahahaha kung may mga suggestions kayo wag kayo mahihiya. Sa mga may reklamo din comment lang hahaha. Loveyouuu! <3

-

Kevin’s POV.

Nasa hotel ako ngayon, nakita kong may nagpasa ng story sakin. Weird siya kasi hindi siya nagpakita. Basta niya na lang inipit sa notebook ko yun. Nabitin ako sa pagbabasa ng story ni Reejan. Kaya siguro eto na lang muna ang babasahin ko.

Kanino kaya galing ‘to?

Tungkol saan kaya ito?

..

Red.

                “Sa pag-ibig, dalawang bagay lang yan lagi. Ang umiibig at ang iniibig. Ang nananakit at sinasaktan. Ang nang-gagago at ginagago. Desisyon mo na yan, kung sino ka jan.”

“Hoy Red!”

Hindi pa ko nakakaharap pero naramdaman kong may tubig na nabuhos sakin. Malamig na tubig. Basang basa na ang uniform ko.

“Yan ang nababagay sayo.”

Maldita. Kung nasa mood lang ako makipag-bangayan ngayon, baka nasampal ko na ‘to. Hindi ako familiar sa mukha nitong babaeng ‘to. Parang college na siya. Hello? Senior student lang ako. Hindi ko sinasabing naduduwag ako, hindi ko lang talaga trip ang mambully ngayon.  Dumiretso lang ako ng lakad matapos kong pigain yung buhok ko. Basang-basa pa din ako. Pero girl scout ata ‘to! Syempre may baon akong uniform. Kala nila ah! Normal lang ang ganitong eksena na nabubuhusan ako ng tubig. Nababato ako ng itlog. At ng kung ano-ano pa. Hindi ‘to bago. Lalo na ngayong school year. Siguro gumaganti sila sakin. Hinahayaan ko na lang sila. Titigil naman yang mga yan.

Ay. Ako nga pala si Samantha Redina Romero. Red ang tawag nila sakin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil hot ako? Hahaha di naman. Badgirl ako, dati. Bully ako. Lalo na sa mga lalaki. Hindi naman sa lahat pero sa mga lalaki lang na ayaw ko ang ugali. Sa mga lalaki lang na nagtatangkang ligawan ako. Bakit? Ayoko kasi eh. Kaya pinapakitaan ko sila ng ugaling madalas ikina-tuturn off nila.

Normal lang ang buhay ko. Estudyante sa umaga, anak sa gabi. Oh taray hahaha. Ang pinaka ayoko sa lahat? Yung pag aksayahan ng panahong kausapin ang mga lalaki na walang ginawa kundi ang magyabang at kung ano pa. Normal lang ang buhay ko, noon. Pero ewan ko ba biglang naging komplikado ng mabroken hearted ako. Nawalan na ko ng gana sa buhay. ( lalim eh no ) Pero hindi yun talaga nararamdaman ko. Bully ako, dati. Pero nakakasawa na. Kaya hinahayaan ko na lang sila. Hanggang sa napagkakaisahan na ko sa school.

“Red anong look nanaman yan? Wet look? O sweat look? Saan ka nanaman ba nagsusuot?”

“Kesa dumadaldal ka jan, bakit di mo na lang iabot yung paperbag sa upuan ko? Dali magbibihis ako. Ayokong pumasok baka mabasa yung room.”

Dali-dali namang iniabot ni Amy yung paper bag na may laman na uniform ko.

“Hoy Red, may transferee daw ngayon ah. Balita ko lalaki, kapag gwapo please be nice to him.”

“Hahaha oo naman. Diba nga sabi ko sayo, retired na ko sa pagiging bully. Hayaan ko na lang sila.”

Ngumiti naman ito ng napaka-lapad. Si Amy lang ang nagiisang kaibigan ko na masasabi kong kaibigan talaga. Siya lang kasi yung laging nandyan para sakin. Pag abot niya nung uniform ko, agad agad naman akong nagbihis tinignan ko muna maigi yung bawat cubicle. Baka kasi may trap nanaman dito.

Unexpected Love (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon