CHAPTER 4 (PART II)

11 0 0
                                    

Chapter 4 (Part II)

 

Heyyy! Bias na kung bias pero crush ko talaga si Terrence! Hahahaha sobra kong attracted sa gawa kong character. Ginawaan ko ng part two ‘tong Chapter 4 dahil kay Terrence kasi siya ang magpapakilig satin. HAHAHAHA masyado akong naliligayahan. Parang gusto ko tuloy lagyan ng “HAPPY ENDING” ‘to. Pagiisipan natin yan. XD Enjoy reading guise! Lovelove~ <3

-          G

--

 

 

 

 

Terrence’s POV.

 

“Kaya ayokong nagseseryoso eh.”

 

Napa-tawa naman siya ng konti dahil sa sinabi ko? Bakit? Anong nakakatawa dun? Totoo naman eh. Kapag ikaw ang nagseseryoso, ikaw yung laging nasasaktan. Kapag ikaw yung nagmamahal ng sobra ikaw yung kawawa. Kapag ikaw yung ginagago, ikaw yung lugi.

 

“So ibig mong sabihin wala ka pang sineseryosong babae?” Sinabi niya yun habang nagpupunas ng luha niya.

 

“Hmmm bakit mo tinatanong? Chismosa ka din eh no. Kala ko ba hindi tayo close? O bakit nang-uusisa ka?”

 

“Ah. Wala naman. Makikipag-laro sana ako sayo, kung player ka.”

 

Player ba ko? Oo siguro kasi mahilig talaga akong maglaro ng babae. Pero si Red, parang ang hirap niya paglaruan kasi sobrang fragile ng feelings niya. Oo bully siya, pero look binago niya yun para sa lalaking niloko siya noon at ginagawa niya yun para seryosohin na siya.

 

“Hoy wag ka ngang bobo.”

 

“Sige na Terrence. Alam kong hindi ako maganda. Pero I’ll be your toy.”

 

Sobra siguro ‘tong nasaktan sa mga pangyayari sa buhay niya. Bakit ganito ‘to magsalita? Naawa ako sa kanya kasi di niya deserve ang masaktan ng ganito.

 

“Hoy gago bakit namumutla ka?” Tumingin siya sakin samantalang ako nakatulala lang. “Joke lang yun tanga. Di na ko papayag mapaglaruan no.”

 

“Sa pangit mong yan? Di din kita gagawing toy ko.”

 

Nabaling ang atensyon ko sa dumudugo niyang kamay. Shit di ba ‘to nauubusan ng dugo? Naka-register ba siya sa unli blood?

 

Itinayo ko siya. “Lika na dadalahin na kita sa clinic.”

 

“Hindi na. Ayoko.”

 

“Hahalikan kita pag di ka sumama.”

 

Natulala naman siya. Medyo namula pa nga siya eh.

 

“Hoy panget! Wag kang umasa!”

 

Naglakad na kami habang akay akay ko siya. Namamaga pa din yung mga mata niya dahil sa sobrang iyak niya siguro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon