CHAPTER 2.

35 1 0
                                    

“Guys! Ano ready na kayo?” Sigaw ko sa mga estudyante ko.

“Yes Sir. Kumpleto na po!”

Paalis na kami. Papuntang Tagaytay. Gusto kong marelax ang mga utak nila para marefresh ito at magkaroon sila ng mga bagong stories.

“Tandaan niyo, pwede pa din kayong magsulat doon. At pwede niyong ipasa sakin yun. Okay ba?”

Tumango silang lahat. Nakita ko ang magandang view mula sa bus. Naisip ko na napakapayapa ng daan. Ganito din kaya doon? Ganito din ba dyan, Pat? Tahimik din ba jan? Okay ka lang kaya?

“Kevin.. tama na. Hayaan mo na ko. Maging masaya ka na.”

“Hindi Pat. Hindi ko kaya.”

“Panahon na para makahanap ka Kevin..”

“Sir gising na nandito na tayo.”

Nagising ako. Lutang. May sinasabi siya. Ano susundin ko ba ‘to? Panahon na ba? Tama kaya siya?

Humanap kami ng hotel kung saan pwede kaming magstay. Nakahanap naman kami ng maganda at mura. Kitang kita mo ang mapayapang view dito na tiyak magbibigay sa kanila ng relaxation para makapag-isip. Wala na daw kseng napasok sa utak nila. Hindi na nila alam kung anong isusulat.

“Sir labas lang ako ha.”

“Sige Julie. Balik agad ha.”

….

“Hi Kuya! Bakit ka naiyak?”

“Ah. Wala.”

“Pwede mo kong kwentuhan. Ako si Julie. Future writer ako. Dali.”

“Haha ganun? Ah osge.”

….

Jed.

“Minsan, kahit ano pa yan. Hindi mo mahahadlangan ang pag-ibig.”

Kung babasahin niyo ang buhay ko, hindi kayo mageenjoy. Wala kasing thrill, walang lessons, wala. Boring. Bumabangon lang ako para matulog. Nabubuhay para mamatay. Ganun lang. Hinahayaan ko lang Siyang patakbuhin ang araw ko. Kung saan ako dalahin, dun ako.

                Hindi exciting ang buhay ko. Napaka-normal lang. Papasok lang ako sa school, at parang hindi ako nageexist. Wala akong masyadong kaibigan. Hindi din ako masyadong nakikipag-usap. School-bahay lang ang motto ko. Sa makatuwid, loner ako. Pag kinausap mo ko, ayun dun lang ako makikipag usap. Nursing student ako. At kailangan ko ng mag-OJT.

“Hi Sir? What’s your name?” Sabi ng babaeng naka-white. Hindi siya white lady. Doctor siya.

“Uhm, Jed po. Jed Roman.”

“Okay. Jed, come here.”

Dinala niya ako sa office niya. Ngayon lang ako nakipagusap sa taong hindi ko kilala. Pano kailangan kasi. Hindi naman ako madaldal na tao. Actually, mas madaldal pa ang utak ko kesa bibig.

“Dito ka sa station na ‘to. Pang-gabi ka. Is it okay with you Mr. Roman? By the way, I’m Dra. Bea.”

“Uhm, yes Dra. Thankyou po.”

“Napaka-mahiyain mo. Bawal yan dito. Kailangan alam mo kung pano makipagusap sa mga pasyente mo. Okay bay un Jed?”

“Opo.”

Lumabas ako ng office. Naglakad ako. May narinig akong sumisigaw sa isang room. In pain ang sigaw niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero pumasok ako sa kwarto niya.

“Miss anong problema?”

Sumisigaw lang siya. Tumawag ako ng nurse sa malapit na station. Agad silang pumunta. Pinakalma nila ang pasyente at pinalabas na ko. Kung maririnig niyo yung sigaw nung babae, parang mas masasaktan pa kayo. Grabe. Nakakaawa. Ano kayang sakit niya?

Unexpected Love (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon