CHAPTER 3.

24 1 0
                                    

Hi! Habang sinusulat ko ‘to masyadong empty ang utak ko. Hahaha alam kong nalilito kayo sa mga nakaraang chapters, well honestly ako din. Hahahaha abnormal eh. Pero napagisipan kong lagyan na ng POV ang mga chapters para di masyadong magulo. ;) Ayos ba? Explain ko muna, kung mapapansin niyo bawat chapters may pangalan. Kagaya nung last chapter, JED. Yun kse yung nagsisilbing title ng bawat isa. So maglalagay lang ako ng POV pag kailangan para maprevent yung kalituhan. Okay ba? Hahahaha. Balik muna tayo ka Reejan. Pag may mga reklamo kayo, comment below! ;) Gagawaan natin ng paraan yan. So simulan na natin lovely readers!

--

Reejan.

                Two weeks. Hindi ko na din masyadong binibigyan ng pansin si Luke. Hindi na kagaya dati na hinahanap ko siya. Binigay ko sa kanya yung gusto niya, layuan ko siya. Pero kapag ang tadhana talaga ang nagtrip, mapapamura ka na lang.

“Jan! Goodmorning!”

Isang gwapong nilalang ang sumalubong sakin sa gate ng school namin. Naka-ngiti siyang abot tenga at sobrang saya niya.

“Goodmorning Kobe!”

“Nandito na siya!”

“Ha?” Habang naglalakad kami paulit ulit ng pagsasabi si Kobe ng nandito na siya. Sino ba? Pag tinanong ko naman kung sino di naman niya sinasabi sakin.

Ganun pa din ang school, walang bago. Kinakamusta ako ng lahat kasi naging editor in chief ako ng school news paper namin. So, medyo kagalang-galang ako. (yabang hahaha)

Pag dating ko ng classroom, hindi pa man ako masyadong nakakatungtong, nakaramdam ako ng kaba. Tapos naalala ko yung sinasabi ni Kobe na “Nanjan na siya.” Sino ba? Kadalasan kasing sinasabi yan sa mga horror baka naman nababaliw na tong si Kobe.

“Goodmorning Reejan.”

Napatahimik ako. Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig at para akong nafroze dito sa pinto.

“Reejan? Okay ka lang?”

Bumalik ako sa katotohanan. Bigla akong natauhan.

“Ha? Oo. Excuse me dadaan ako.”

Tumabi naman siya. Dirediretso ako sa upuan ko. Binaba ko ang bag ko at paking tape hindi ako mapakali. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

“Sabi sayo nanjan na siya e.”

Biglang nagsalita si Kobe mula sa likuran ko. Bakit ngayon niya lang sinabi? Hindi tuloy ako handa. Hindi ko tuloy alam kung anong magiging reaction ko. Lutang tuloy ko. Nakakainis.

“Oy Reejan! Buhay ka pa?”

“Ha? Oo. Teka nga umupo ka na Kobe. Dadating na si Sir.”

At dumating na nga si Sir Medina. Siya na ata yung pinaka-mabait na teacher namin. Kaya ayaw ko na nagagalit siya sakin. Nakaramdam naman ako na para akong tinatawag ng kalikasan. I mean naiihi ako (hahaha)

“Sir may I go out?”

Medyo mahina ata yung pagkakasabi ko kaya para snob lang ako ni Sir. Nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod.

“Bawal.”

Tumingin ako sa likod para malaman kung sinong nagsalita. At pinagsisisihan kong tumingin pa ko sa likod.

“Bawal. Dito ka lang daw.” Sabay tinuro niya yung puso niya.

Ako naman tong si nagulat kse si Luke. Si Luke yung nagsalita.

Unexpected Love (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon