Paghanga

81 2 0
                                    

No'ng una kang makita,
ako'y natuwa.
Sa simple mong ganda,
ako'y humanga.

Labi mo'y malarosas sa pula,
na akma sa ngiti mong masigla.
May maliit kang mata,
na bagay sa hugis puso mong mukha.

Di ka naman katangkaran,
ngunit pagtingin ko sayo'y mataas.
Tulad ng iba mong tagahanga,
na sayo'y pumapantasya.

Panlabas na katangian,
isa sa'king hinagaan.
Pero puso'y nabihag,
ng maganda mong kalooban.

Di ko hiniling,
na ika'y makilala.
Ngunit landas na'tin,
pinagtagpo ni TADHANA.

Kaya puso ko'y sumaya't,
ngiti sa labi 'di mawala.
Dahil sa ika'y nakilala't
nakita ang ngiti mong masigla.

Alam mo bang ako'y humiling,
na sana'y iyong mapansin.
Itong lihim na pagtingin,
na sayo lang babaling.

Ngunit pano nga ba?
Pano ba mapapansin itong nadarama?
Kung mga mata mo'y,
sa iba nakatingin at di sakin.

Kaya't ika'y pinagmasdan,
sinulyapan ngiti mong walang hanggan
Na sa'kin 'di maibibigay,
dahil sa iba ito nakalaan.

Kaya aking napagpasyahan,
na ika'y kantahan
Ipadama itong nararamdaman,
kahit sa isang awitin lamang.

Gitara'y aking kinuha't,
sinimulan ng kumanta.
Ilahad ang nadarama,
ni'tong puso ko sayo'y humahanga.

Pero ito pa ba'y isang paghanga?
o ako'y nahulog na?
At 'di ko lang maamin sayo sinta,
na ito'y hindi na paghanga.

Lihim ng TULAWhere stories live. Discover now